Life sucks!

alam kong sanay na kayo sa napakahabang mga entry ko, isa na naman yata itong mahabang blog entry. You’ll just have to bear with me. alam ko rin na nakapagpaalam na ko. ilang beses na nga actually, ung huling paalam ko supposedly un na yung last time na gagawin ko yun, plano kong mamaaalam na talaga sa mundong ito ng blogging. hindi ko lang mapigilan hindi magsulat ngaun dahil sobrang dami ng laman ng utak ko, sobrang dami ng emosyon na nabubuo sa loob ng puso ko. na kailangan ko ng gawin toh dahil anytime i just might explode, i just might break down. in such a short period of time ang dami-dami as in super dami ng mga nangyari. at ito ang isa sa mga nalaman at napatunayan ko ng ilang beses na pero ngaun talagang naniniwala na ako: na kapag masaya ako, mamaya, bukas o makalawa, may naghihintay na isang napakalaking problema sa akin na makakapagpa sira ng ulo ko ng slight… (slight lang dahil matagal ng sira ang ulo ko) kaya ang lesson learned: “wag magpakasaya ng todo…hangga’t maari, pigilin ang emosyon.”

sabi ni forrest, nanay ni forrest rather, “life is like a box of chocolates, you’ll never know what you’ll gonna get.” this is so true…tested and proven ko na rin ito.. many many times and long long time ago na rin. ( you will definitely notice how i try to put humor into this entry just to lighten things up pero sa lahat ng entry ko eto ang pinaka seryoso para saken. ito na rin yata ang pinakacrucial for me.) kahit sobrang planado mo na kung ano ang mga dapat mong gawin sa mga susunod na araw, mapaka unpredictable pa rin ng buhay dahil kahit gaano kaplanstado ang plano mo, magugulo at magugulo pa rin yan. hindi pa rin mangyayari ung mga plinantsa mong plano. laging surprise ang nangyayari. parang when you plan a surprise party for someone, mose of the time you end up bein surprised instead.

sabi ng karamihan : “when one door closes, another one opens.” or minsan naman daw hindi man magbukas ng pinto, hintay lang dahil for sure may bintanang magbubukas. parang hindi na ko naniniwala dito. parang lahat ng positive energy sa katauhan ko eh nilamon na ng mga masasamang pangyayari sa akin. alam kong karamihan sa mga entry ipinangangalandakan ko ang pagiging positive ko sa lahat ng bagay, mukhang kakainin ko na lahat ng sinasabi ko about bein positive. with everything thats been happening sa akin ngaun, i just cant find the will to be positive anymore. its like ive lost it.and its like ive lost the will to go on…pinipigilan ko ang pag-iyak.. thinking na its a sign of weakness… kahapon, umiyak ako while talkign to jen, umiyak ako ng slight pa rin. ayokong umiyak ng todo. bakit? ewan ko. basta pinipigilan ko. pero ngayon, habang ginagawa ko toh, malayang nalalaglag ang mga luha sa akign mata. dahil sa totoo, nahihirapan ako. sobrang nahihirapan ako. sobrang nasasaktan ako sa lahat ng pangyayari. tao lang din naman kase ako. tinatablan ng sakit, tinatamaan ng sama ng loob. im not as tough as everyone thinks of me. natuwa ako at talaga naman lumaki ang ulo ko sa ginawang entry para sa akin ng isang kaibigan dito sa blogworld. pero kung iisipin ko ngayon, parang hindi na nararapat para sa akin un. nakasaad dun sa entry nya na yun ang pagiging matapang ko sa pagharap sa kung ano-anong unos na dumadaan sa buhay ko na despite dun sa mga problemang yun eh nananatili akong nakatayo. mukhang hindi na ganun ngayon eh. pinanghihinaan na ako ng loob, ramdam ko na sa pagkakadapa kong ito, hindi ko na kakayaning tumayo muli. ramdam kong hindi ko na kakayanin to. nakikita ko na ang sarili ko na nakalugmok. nakakahiyang aminin na sumusuko na ako sa laban ng buhay. pero, like what ive said earlier, tao lang ako. nanghihina din. nawawalan din ng lakas para labanan ang buhay na kung bakit ay napakalupit para sa akin. ewan ko ba mukhang masyado akog paborito ni Papa Jesus. lagi ko naman Sya kinakausap. kahit sa mga panahong masaya ako hindi ko naman Sya nakakalimutan pero bakit ganun? ayaw na ayaw ko ng kinukwestyon ang Diyos pero sa mga ganitong pagkakataon hindi ko mapigilan ang sarili ko na kwestyunin Sya kung bakit ganito. kung bakit ang bigat-bigat ng ibinigay Nyang krus sa akin para pasanin ko. eto pa ang isang sabi nila : “Hindi yan ibibigay sayo kung alam Nyang hindi mo kakayaning lampasan.” totoo nga kaya ito? sa mga ganitong pagkakataon nagdududa na ako eh. alam nyo ba ung pakiramdam na hindi mo na alam kung san mo pa huhugutin ung lakas ng loob mo? na hindi mo na alam kung paano ka pa gigising sa susunod na araw? yung tipong gusto mo na lang na matapos na lahat ngayong araw na to, na sana sa pagtulog mo eh hindi ka magising? na habang buhay ka ng matutulog? dont get me wrong…. hindi ako magsu-suicide..ni sa panaginip i didnt see myself na kikitilin ang sarili kong buhay. i maybe manic depressive pero hindi to that extent. killing myself will just create more problem sa mga mahal ko sa buhay na iiwanan ko. ang sinasabi ko lang, yung tipong sobrang pagod ka na na gusto mo ng hindi magfunction, na gusto mo ng magshut down ka na completely. kase right now, yan ang nararamdaman ko…I FEEL SO DEAD…

nung isang araw lang ng may maganap na EB na sobrang nag enjoy talaga ako. oo, aaminin ko na talagang tuwang-tuwa ako. hindi exaggeration yung sasabihin ko na sobrang saya ko nung araw na to. kase yun yung totoo. sa umpisa, natakot ako sa pagiging masaya ko. dahil hindi lang iisang beses na nangyari na sobrang saya ko at ang naging kapalit nito ay isang napakalaking problema. isinantabi ko yuing takot na yun nung mga oras na yun. pero ano nga ba’t kinabukasan eh isang sorpresa talaga. ayan na nga ba ang sinasabi ko… isang malaking problema nga..isang napakalaking problema na nagpayanig ng katinuan ko.

HIndi. Hindi pa ako nakakauwi ng Pinas. OO, andito pa rin ako sa Dubai. planado na yung pag-uwi ko dapat withtin this week. naplantsa na lahat ng plano nuong nakaraang linggo pa, lahat ng mga dapat gawin nagawa na, lahat ng mga dapat isipin naisip na. but i didnt expect this to happen na the day before na dapat maganap ang pag-alis eh magkakaron ng isang napakalaking aberya na makakapagpaguho ng kaunting natitira sa katinuan ko.

sa pangyayaring ito, kasabay ng pagguho ng katinuan ko ay ang pagkawasak ng lahat ng plano ko para sa mga susunod na linggo… buwan..taon ng buhay ko kasama ang mga anak ko. lahat ng mga kinatatakutan ko, mukhang mangyayari na talaga. hanggang kaninang umaga nagpapakapositive ako, may mga nakakausap pa nga ako na mga kaibigan sa pinas na naghihintay sakin, actually promising to help me get a job once makarating ako dun. pero, ano at nandito pa rin ako hanggang ngayon. walang maisip na solusyon kung paanong mararating ang Pilipinas ng matiwasay at makasama ang mga anak. nawalang parang bula lahat. sa isang iglap nawala lahat.

nabanggit ko nuon na na nagkaron na ako ng sa tingin ko eh maayos na trabaho dito. hayun nga at mukhang magiging stable na din dapat ang sitwasyon ko dito finally kung hindi sa pakikialam ng mga “kalaban” sa dati kong tinutuluyan. pero dahil nga sa pangingialam nila, naging bato ang lahat. nawala silang lahat. abot kamay ko na bigla pang nilipad ng hangin palayo sa akin. dagdagan pa ng sitwasyon na kailangan ko ng kunin ang mga anak ko sa nag-aalaga sa kanila, may binigay pang deadline na kapag lumagpas ako dun maaring hindi ko na sila makuha ulit. Pero merong isang anghel (blogger friend) na naginform sa akin na kahit isang dosenang papel pa ang pinirmahan ko eh makukuha ko pa rin sila. in shallah… kaya nabuhayan na naman ako ng loob kahit pano. nitong mga nagdaang araw, mula ng umalis ako errr tumakas sa poder ng mga “kalaban” na nangialam sa akin, wala akong ginawa kundi maghanap ng part time jobs na pwede kong pasukin. para magkaron ng enough money to keep me and the kids afloat once makauwi ng Pinas. (hindi din naman sa nangangamba ako talaga dahil alam ko rin naman na pag-uwi ko may makukuhanan ako.. sa iabng wento na yun) pero syempre kailangan pa rin maging handa. at dahil nga sa napakialaman yung sa dapoat na magandang trabaho ko, nauwi ako sa pagpapart time…. ok fine! si Yanah na nag-aral sa la salle, nagpunta ng Dubai para ano? para maglinis ng bahay ng kung sino-sinong tao?! iba-ibang lahi.. pero eh ano ba?! hindi naman sa ikinakahiya ko toh, dahil marangal na trabaho to. napaisip lang ako na kaya ba ako nag-aral ng Business Management para maglinis lang ng bahay ng mga banyagang nilalang dito sa Dubai? pero sige na lang, sabi nga ni Jen, “for the love of money”…yan ang pinagkakaabalahan ko ngayon hanggang sa dumating yung araw na finally makauwi ako. kung makakauwi pa nga ako. hindi ko na alam kung ano ang naghihintay sa akin para bukas. hindi ko na alam. marami pa akong gustong iwento pero kulang na sa oras. bukas na lang siguro…oo, babalik pa ako bukas para magblog sa totoong nangyari sa akin nitong nakaraang dalawang linggo at sa mga mangyayari pa lang…. hanggang sa makauwi ako… kung makakauwi nga ako…

for all those people na nakakaalam ng pinagdadaanan ko at sa totoong sitwasyon ko, maraming salamat sa lahat ng tulong, suporta, pang-unawa at panalangin na inalay nyo para sa akin. i will forever be grateful for that. hindi ko na kailangan na imention dito kung sino-sino kayo dahil alam nyo naman na kung sino kayo. dahil sa blogging nakakita/nakatagpo ako gn mga tunay na kaibigan….

Advertisements
This entry was posted in depression, dubai, life, sacrifice. Bookmark the permalink.