Story of Birth

*****hindi advisable na absahin habang kumakain at bago kumain…baka mawalan ka ng gana. nararapat na basahin ito matapos kang lumafang ahihihihi…****

February 28, 2007….alas tres ng hapon ng mapagdesisyunan nyang magtungo sa doktor upang magpacheck up. dapat ay nung isang araw pa pero ipinagpaliban nya ito sapagkat siya ay bumyahe galing Davao. Kung kaya’t nagsimula siyang gumayak upang umalis. isang sakay lamang naman ng tricycle ang layo ng klinika na kanyang pupuntahan mula sa kaniyang tirahan. paglabas niya sa lugar nila… tatambad sa kanya ang palengke ng Mlang, tumawid siya upang pumara ng tricycle (baket kinailangan niya pang tumawid?! eh one way lang yun eh !!! hehehe) pagkasakay… sinabi sa driver ang kanyang destinasyon. nakarating naman agad sila sa klinika.

“o, bakit ngayon ka lang? nung isang araw pa kita hinihintay ah.” yang ang bungad ni Dra. castillo sa kanya. “may importante po kasing inasikaso sa Davao eh kahapon lang poh nakabalik.”, nakangiting sagot ng babae. “naku naman! kabuwanan mo na eh byahe ka pa ng byahe, o sya, lika na at macheck na kita.”

“tsk tsk.. 8cm ka na.. kugn di ka nagpunta dito ngayon baka bukas mag labor ka na. hindi ka pa naman pwede maglabor.” alalang sambit ng doktora. “ano po ang gagawin ko ngayon?” tanong ng babae. ” umuwi ka na at magpahinga, ihanda ang sarili, ang gma gmit gn bata pati na rin mga gamit mo at dumerecho ka sa district mamayang alas otso ng gabi at papaturukan na kita ng pampahilab.” pagbibigay instruction ng doktora sa babae.

umuwi ang babae na nag-iisip. pagdating sa bahay nagsimulang mag-ayos ng gamit. nagtataka naman siyang pinapanuod ng panganay na anak. “san ka punta ma?” tanong ng bata sa kanya. “sa ospital. lalabas na si baby eh, may aalagaan ka na. mag good girl ka ha.” sagot ng ina sa bata. nang mapunta ang tingin sa mga maruming damit… “tsk tsk..di pa pala nakalaba si *insert XYZ factor’s name here* wala akong gagamitin.” kaya’t kinuha nya ang mga labahin at sinimulang maglabas sa may likod bahay. inabot din ng dalawang oras ang paglalaba. hanggang sa dumating si *insert XYZ factor’s namer here again*
babae: magpa-admit na daw ako sa district tonight, inject na ng pampahilab. super overdue na daw.”
lalaki: anong oras daw?
babae: 8pm
lalaki: ah. cge.. papasamahan na alng kita kay Liza, di ako pwede, may pupuntahan kami ni pareng *insert XYZ friend’s name here* (bakit hindi ko pa pinangalanan? baka kase kilala ni doc RJ eh mahirap na hahahaha :P)
babae: mas importante pa yun?! naku! bahala ka nga sa buhay mo! ayoko na makipagtalo! gawin mo gusto mong gawin!

8pm… nagtungo ang babae kasama ang kanilang kasambahay sa bahay (natural alangan kasamabahay sa mall?!) sa district hospital..inadmit sya.. kugn ano-anogn pinagtuturuk.. na ganito ganyan… nakatulog pa naman sya.. hanggang sa nag-umaga, (March 01, 2007) dumating ang kanyang doktor. tinanong kung handa na sya. kaya ayun, gumorra na ang lahat sa OR kung saan siya bibitayin este hihiwain.. nagulantang ang babae pagpasok sa OR sapagkat, isang improvised na operating table ang tumambad sa kanyang.. operating table made out of tabla.. (as in pramis! hahaha) naganap ang dapat maganap… namanhid na ang kanyang pakiramdam ngunit gising siya… alam nya ang ginagawa sa kanya, sapagkat nakikita nya mula sa salamin sa ilaw na nasa ibabaw niya. nakita niyang hiniwa sya at nakita rin niya kung paano dukutin ang bata sa loob. sapagkat parang ayaw pang lumabas. nakita rin nya ang mga tila bulate na mga intestines nya na bahagyang nakalaylay dahil sa pagkakabukas ng kanyang katawan. hanggang sa napagod na rin siguro ang sanggol sa pakikipag taguan-pong nya sa doktor, nainip na siguro kaya hayun at lumabas na! isang napakagandang musika sa pandinig ng ina ng bata ang kanyang unang pag-iyak… tinanggal ang bata, pinutol ang kurdon na nagkokonekta sa kanila at ipinasa sa nurse at pinalinisan. samantala, abala naman ang kanyang doktor sa pag-aayos ng kanyang mga lamang loob. hindi na niya makayang makita ang mga mala bulateng mapupula na intestines nya kaya’t nagdesisyon siyang pumikit na lamang, makaraan ang ilang segundo, tila pa nararamdaman na nya ang sakit ng paghalukya ni doktora Castillo sa kanyang katawan kaya’t nakuha nyang magsabi na, “Doktora, wala na yata bisa ung anesthesia (tama ba ang spelling ko?!) ” kaya’t agad naman ginawan ng paraan, pinatulog na rin nila ang babae para marelax. mtapos nuin ay nawala na ng ulirat ang babae. nagising na lamang siya sa isang pribadong kwarto ng ospital at nagulat ng may biglang umiyak na sanggol sa kanyang tabi. naruon na ang kanyang sanggol… maluwalhati nya itong nailabas! Nasilayan na ng mundo si Josef Kahlil….

March 01, 2007
District Hospital, Mlang, North Cotabato
Josef Kahlil B. Datu

Happy 2nd Bday Kahliltot….i love you!

Advertisements
This entry was posted in angel, baby, birthday, blessing. Bookmark the permalink.