Layas

oo na sige na! aamin na kong adik ako! hindi ko mapangatawanan ung hia-hiatus na sinasabi ko.. i just have to make kwento lang talaga.. parang nangangati ung mga daliri ko na buksan ang blogger. weh! ano magagawa ko?! ito tuloy past two days na hindi ako gumawa ng entry inubos ko lang ang free time ko eh inubos ko sa pagbasa-basa ng mga archives ng lahat ng nasa blogroll ko… yipeeeeeeeeeee! lahat ng mga sikreto nyo alam ko na! hahahaha nabasa ko lahat.. from cover to cover……

may mga tanong ako eh… medyo madami sila at may pagka walang wenta. sa totoo lang, praning-praning ako ngayon. di ko alam kung tama tong ginagawa ko…bahala na si bat…..errrrrrr superman….

1. kailangan ba na kapag tatakas ka eh ipagluluto mo pa muna ng hapunan ung mga taong tatakasan mo?
2. dapat ba na magligpit ka pa ng kwarto? dapat ba na linisan mo muna ung lugar na lilisanin mo?
3. dapat ba mag-iwan ng note? naisip ko lang, dapat bang hindi mag-alala ung gma taong tatakasan mo?

natatawa ako… ang pagkataranta pala kakaiba ang nagagawa hahaha…mayron na sigurong tatlumpong minuto akong paikot-ikot sa loob ng kwarto.. ang misyon ko eh ayusin ang kagamitan at i-empake lahat.. pero ano at ang tagal ko ng ikot-ikot sa loob ng kwarto eh lahat ng dinadampot ko na gamit eh dinadampot ko lang para ilapag sa ibang lugar at maya-maya malilito ako at hahanapin ung mga bagay na iniba ko ng lugar. napatunayan ko na kapag may gusto kang matapos/gawin, kapag nataranta ka..mas matagal o mas mahabang oras ang igugugol mo para matapos ung mga bagay na dapat mong gawin.

hindi ko alam kung tama tong ginawa ko. bahala na….basta..basta..bahala na..
alam ko magulo ung entry ko ngayon.. isipin nyo na alng na kung paanong magulo ang post ko, ganun din kagulo ung utak ko ngaun… once again, ill be asking for everybody’s?! everyone’s?! prayers.. sana malagpasan ko toh.. crucial times for me toh right now. bahala na.. pasensya na… naguluhan din siguro kayo…

Advertisements
This entry was posted in depression, sad day. Bookmark the permalink.