kutsara

ok..sige na nga magwewento na ako.. hahaha
ano nakakatawa? wala lang.. gusto ko lang tumawa hahaha.. may kachat akong isang blogger actually hanggang ngayon magkachat kami.. and he made me smile….nakakatuwa at napangiti nya talaga ako.. gloomy talaga ko the whole evening dahil nga sa dilemma ko.. pero he was able to make me smile… salamat naman ng marami… hehehe

napag-usapan namin ung problema ko… ganito-ganyan… hehehe shempre nga hindi pa ko magbigay ng details sa bloggywood..saka na… pero napag-usapan din namin ung desisyon ko.. and i think he agrees with me na tama yung desisyon ko. may catch nga lang.. this time, ill be seeking big bad wolf’s help.. as much as i hate to do it, ive got no other choice…un na lang ung nag-iisang solusyon and sad to say that includes BBW’s participation. isang bagay na dindread ko pero pikit mata kong tatanggapin para lang magkaron ng solusyon ung napakabigat na problema ko. bahala na… bahala na si Papa Jesus.. im sure He’ll guide us….

ang isa sa ikinatuwa ko eh talaga namang nachichismis na pala talaga ako… nyahahahaha meron syang itinanong saken.. nahotseat na naman ako… questions na hindi lang sya ang nagtanong.. hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi apat na sila na nagtanong nun..may nasesense daw sila na kung ano eh wala naman… hahaha sabi ko nga im clueless…. nachichismis ako sa isang blogero.. nyahahahaha nakaktuwa kase wala namang basehan ang mga chismis…. were just friends! nyahahahaha showbiz na showbiz… tsk tsk tsk yan na nga ba ang sinsabi ko! hanggang dito ba naman may intriga! gosh! i think i hate this na! as in! hahaha pero sa totoo lang, kung sino man ang nakakasense ng kung ano man ung nasesense nila… wala yun as in… mukhang figment of imagination nyo lang.. nadala lang kase kayo masyado sa love month.. may hang over pa kayo sa mga valentine echos na yan hahaha..

may kalokahan ako kaninang hapon ng magpunta ako ng dubai at shempre hindi ko rin bibigay ang detalye dahil ayokong pagtawanan ako at sermunan ng sangkablogosperyahan.. nagkita kami ni azel sa bur dubai… syet!!!! sabi nya saken sa tapat ng Sea Shell Hotel ako magpababa sa taxi… ako naman, i was like thinking.. “OMG! magche-check in ba kame?” “i dont like this! as in!” hahaha naisip ko, hindi ko alam na lesbo si azel since alam kong may “master” sya.. hahahaha joke lang.. nung nagkita kami ni azel, hang kyut nya… halos mawala ang mata nya sa pangngiti.. ngiti pa lang yan ha pano na kung tumawa sya ng tumawa… enuf of that…

matapos naming magkita.. dumerecho ako sa bus station at sumakay ng bus(natural! alangan naman taxikel! nag advertise pa ko! anubeh! iboto nyo daw sya sa blog awards ni bino.. mangyari po lamang na dumaan sandali sa damuhan ni bino upang bumoto)pauwi sa sharjah.. nakakainis kase alas tres pa lng yata nun eh nuknukan na ng traffic.. nuknukan pa ng baho ung double decker na bus na nuknukan din ng bagal.. anong oras na ko nakauwi. may mga “kalaban” pa dito sa bahay nung umuwi ako. buti na lang at umalis din, nagkaron ako ng kaunting kapayaan. pero ano at maya-maya nagkakagulo naman kami ni jentot sa YM.. akala mo eh matagal hindi nagkita at talaga namang sige YM lang ng YM..natapos ang araw ko na maayos naman kahit may kaunting-kaunting katangahan… (ok na azel, pwede na tumawa… at remember what i told you… BLOGGER lang ako hindi poh ako walking telephone directory ng nyetang ETISALAT na malapit ko ng pasabugin sa pagdidisco light ng koneksyon ko…sorry ka jen! hahaha save ferdie..save the etisalat!)

somehow, luminaw naman ang pag-iisip ko, what i did was nagdasal ako ng taimtim.. kinausap ko talaga Sya.. at maraming salamat din sa mga taong nagsama sakin sa mga panalangin nila.. He mustve heard everyone nung nagdasal kayo kasi binigyan Nya ako ng kaliwanagan para makita kung ano dapat ang landas na tatahakin sa panibagong hamon na binigay ng buhay saken. sana magwork ito… sana..sana… inshallah ensalada…estofada…(at nagutom daw ako)

okay, napahaba na naman toh… this will be my last entry for this month… ill be gone for a while.. magoverhaul lang muna ng buhay….medyo magiging mahaba-habang hiatus itetch for me.. pero wag kayo mag-alala, tatayo ako mula sa aking pagkakadapa at bibisi-bisita sa inyo once in a while.. pagtiyagaan nyo muna halukayin ung laman ng baul ko jan kapag nainip kayo…

and before i leave, iwanan ko sa inyo itong mga toh:

“whats wrong with falling down when you can always stand up again?”
“we all have problems, its a given. we just have to know how to handle it well.”
“if we can beat the pain, on the other side, a rainbow of happiness awaits us.”
walang kinalaman ang title sa post. wala na naman akong maisip na title.. sensya na..
Advertisements
This entry was posted in hiatus, kung ano-ano lang, kwento. Bookmark the permalink.