Dugtong-Dugtong Lang Yan

strawberry milkheadache langggamlongsleeves polo XYZ factor depression
homesick
dilemmacrying scene

magkakakonektado lahat yan eh…..kung paano? sabay-sabay nating alamin! hahahaha may kwento ako, tanggapin nyo man o hindi, para sakin eh magkakadugtong lahat yang mga yan.. ganito kase yun….

friday ngayon, ibig sabihin rest day ng mga “kalaban” ditetch sa bahay….at lalong isa lang ang ibig sabihin nun, maghapon silang andito nakabantay saken. kaya umaga pa lang iritable na ko, sobra! hindi ko sasabihing paggising ko pa lang eh bad mood na ko kase hindi naman ako gumising dahil hindi naman ako natulog! hello! baket? pwede bang magising ang isang taong hindi naman tulog? toinks! heniweys, hayways, myways, medyo natuwa din ako mga bandang 10am katapos ko lang maglinis nun ng dalwang CR dito (oo, naglinis ako! kami ang nakatoka this week, ung mga kasama ko walang pakialam…) nalaman ko na yung isang “kalaban” eh maaga papasok…..as in nung oras na yun eh paalis na sya…huwawwww natuwa naman ako at mababawasan ang mga tipaklong d2 sa bahay. tapos mga tanghali nalaman ko din na ung isang “kalaban” naman ay may bertdeyan na pupuntahan sa hapon….another huwawwwww for me.. suma total, isang hindi masyadong “kalaban” ang natira….si same-same at ako ang natira ditetch sa hausing… last night naasar na ko sa kanya kaya medyo di ko pinapansin..kaya’t mapayapa ang maghapon ko. eto ngayon, dahil tinatamad akong magluto, natural hindi ako nagluto.. hindi rin ako kumain..mga bandang 5:30pm… bigla akong nagcrave sa STRAWBERRY MILK…..kaya may-i-buy naman ako…. ilang grocery stores din ung napuntahan ko bago ako nakabili, baket? eh kase maarte ako…isang brand lang nun ang binibili ko kapag kase ibang brand ang ininom ko ang ending eh maghapon akong titira sa loob ng CR. so, finally nakahanap ako nung brand ko..dun sa grocery na binilhan ko, nuknukan ng kabahuan…para bang isang daang taon na hindi man lang nakakaranas kahit man lang punas ang liki-liki nung panadolz over the counter…ilang minuto lang ako dun na nakasinghot ng kakaibang aroma niya eh naramdaman ko na si HEADACHE slowly coming to take over me. dali-dali akong lumabas. paglabas ko.. tumunog ang mga tunog sa moske nila… nagulantang ako sa dami ng mga nakakairitang LANGGAM na bumungad sa akin sa labas ng grocery, katapat lang kase yun ng moske.. nakakirita sila kase ang dudugyut nilang tingnan at ang iingay pa nila… as in! napansin kong karamihan sa mga ito eh mga naka LONGSLEEVES na POLO, napaisip ako…. naalala ko sa Pinas, pag nakasuot ka ng ganun eh kagalang-galang ka..disenteng-disente ka tingnan. samantalang dito, nasasalaula ang imahe ng ganitong uri ng damit. dahil ang mga dugyut tingnan na mga pato at itik dito eh laging naka longsleeves.. ang fafanget nila, pramis! habang naglalakad, may nakita aketch na Patan na naka Black na longsleeves and guess what?! bigla kong naremember si isa kong XYZ Factor..mahilig kase yun sa black longsleeves na ginagamit nya for work… may kahitsuraan din naman ung Patan, un nga lang mabaho.. kaya deadmation ako sa kanya at isa pa hindi siya blue eyes! Nang maalala ko si XYZ, nalungkot ako… as in biglang nanariwa sa aking kaisipan ung mga masasayang moments namin before.. (uu naman, masaya din naman ako nuon hindi lang puro bitterness ang alam ko noh!) ayan tuloy, inatake tuloy ako ng DEPRESSION ng dahil sa pagkaremember ko kay Mr. XYZ…..kasama ng pakiramdam na ito ang pangungulila… this time hindi na alng dahil sa kanya, naisip ko kase ung mga lugarr na madalas namin puntahan, mga pagkain na malimit namin kainan….namiss ko lahat-lahat sa Pinas, in short, supercalifragilisticexpialidocious HOMESICK na ako… as in biglang-bigla lang.. dapat kase hindi na naalala ung taong yun eh.. remembering him brings back not only happy moments together but also the happy life ive had before dun sa Pinas… dun sa lugar na kung papipiliin ako ngayon eh syempre yun ang papipiliin ko.. at dahil sa pagkahomesick ko bigla-bigla…..naalala ko ung napakalaki at napakabigat na DILEMMA ko ngayon…..hindi ako magbibigay ng eksaktong detalye basta it involves work(financial aspect), Family(emotional aspect), willingness to go home, hesitation in decision making….ang hirap mag-isip kung ano abng dapat isipin, intindihin at tanggapin.. at dahil sa mga isipin at agam-agam na yan… lubha talaga akong nalungkot. pagdating ko dito sa kwarto, eksaktong mag-isa na lang ako at wala na nga yung mga “kalaban”, may i CRYING SCENE naman daw ang drama ko… diba naiwento ko na pinipigilan kong umiyak numiyak?ung mga times na dapat eh iiyak ako… well, hindi ko na sila napigilan kanina.. nagsarili sila… selfish daw ako.. bakit ko daw sila kinukulong dun, palayain ko na daw sila (yes! ayn ang dialouge ng mga luha ko saken kanina, as in kinausap nila ako… hmmmmm you guys should try it sometime…may pagka therapeautic….tama ba spelling ko?!) ayun kaya… crying in the rain este room pala ang drama ko kanina…

ayan… baket ba ko naalala ko ung bigat ng DILEMMA ko ngaun na nakapagpaalala ng pagkaHOMESICK ko na ang naging dahilan eh nadDEPRESSion ako dahil kay XYZ na ang may kasalanan eh black na LONGSLEEVES POLO na nakita kong suot ng isang dugyut na LANGGAM na nagbigay saken ng HEADACHE dahil sa angking kabahuan nila na hindi ko naman sana masasamyo kung hindi ako lumabas para bumili ng STRAWBERRY MILK.

sabi sa inyo magkakakonektado lahat yan eh…

yun lang… ba-bye muna.. ayusin ko pa ung mga blog na ginulo ko nyahahahaha. gudlak saken.

******************************
kalaban – tawag ko sa mga kapinsanan ko na kontrabida sa happiness ko..

Advertisements
This entry was posted in kung ano-ano lang, kwento. Bookmark the permalink.