Toss coin

masaya ka ngayon, eh bukas? ano ka?
bukas mo na isipin ung bukas…bukas pa naman yun eh.. ang isipin mo yung ngayon!

nag-iisip ka ba? ginagamit mo ba utak mo?
malamang hindi kaya ganyan ang buhay mo!

follow your heart daw. pero kapag nakasakit ka..bahala ka sa buhay mo.
pinasok mo yan eh lusutan mo mag-isa!

maraming bawal na bagay ang nagkalat.
pag ginawa mo..masaya ka..mahuli ka..patay ka!

ginawa ko naman lahat, bakit umalis pa rin sya?
malamang hindi mo pa nagawa lahat kaya ka nya iniwan.

alam mong masakit malaman ang katotohanan.
kaya hinayaan mong maniwala ka sa kasinungalingan.

**********************************************************************
kung ano man yang mga nasa itaas, wala lang.. kung ano-ano lang na minsan sa buhay ko eh nagamit ko. ano ba pinagsesentimyentuhan ko? nakakainis kasi. oo, naiinis ako. hindi lang simpleng inis kundi inis na inis na inis as in dami-daming inis. bakit? paano kase kung talagang desidido ka na sa isang bagay, in fact ilang araw na alng eh mangyayari na yung bagay na yun na ang tagal din bago mo natanggap at napagdesisyunan na gawin. tapos ngayon kung kelan tanggap na tanggap mo na sbay biglang babawiin nila sayo. nag-iba na naman ang isip nila. naka isip sila ng panibago. solusyon daw. solusyon nga ba? tinutulungan ka ba talaga nila or mas gusto lang talaga nila na pahirapan ka. hindi ba’t nakakainis. ngayon tuloy back to square one na namnan ako. nag-iisip na naman ako kung anong gagawin ko. para kang de-susi na manika. na kailangan sumunod ka sa gusto nila mangyari at all times. for crying out loud! im 25 years old!!! am not a child anymore.. and yet they treat me as if im a 6 year old. ano ba tingin nila sakin? na lahat na lang eh tatanggapin ko? aminado akong may katangahan ako. kaya nga nagkaganito ung buhay ko eh pero hindi porket nagkamali ako eh ang ibig sabihin eh binigyan na sila ng lisensya na paandarin ang buhay ko. buhay ko toh eh.. byahe ko toh..sasakyan ko toh at ako ng drayber. ako ang dapat na masusunod sa kung saan ang destinasyon, kung kailan aalis at kung sino ang hahayaan kong makisakay saken. alam kong may ilang mga pagkakataon na along the way eh nasisiraan, naflatan, nagover heat ang makina pero umaandar pa rin naman ah.. umuusad pa rin naman….. ang importante eh gumagalaw pa rin ako…natututo naman ako sa mga pagkakamali ko nuon…pinipilit kalimutan/takasan kugn ano man yun nuon sa pamamagitan ng pamumuhay ng maayos. pero paanong aayos ang buhay ko kung bawat galawa ko eh kailangan depende sa kugn anong sasabihin nila?

may nabasa ako… sabi nya eh he’ll take it from me (regarding the comment i left him) kase expert daw ako when it comes to living life. im no expert in that field..sumasabay pa lang din ako sa agos.. pagkaminsan pa nga hindi ko alam kung sang direksyon ung tatahakin ko pero, i take things one step at a time. i see every experience as a learning experience. pare-parehas pa alng din tayo na may kanya-kanyang paglalakbay na ginagawa sa buhay. ang saken lang eh ung mga napagdaanan kong mga aberya along the way eh kahit pano naturuan ako nun kung anong gagawin sa susunod para maiwasan mangyari ulit yun. at alam kong malalagpasan ko rin lahat. kung tutuusin, wlang kasiguruhan ang kung ano mang bagay dito sa mundo. hindi mo alam kung ano ang susunod na magiging pagbabago. one thing im sure though….. hindi ko mararating ung luagr na dapat kong marating kung patuloy nila akong pakikialaman sa pagmamaneho ng buhay ko….


*********
walang kinalaman ang titulo nito sa buong entry.. wla lang akong maisip na titulo..


********
pang 100th post ko pala toh… kongratumeleyshuns saken!

Advertisements
This entry was posted in kung ano-ano lang, sentimyento. Bookmark the permalink.