Katuloy: Pag-lisan

Dahan-dahan niyang nilisan ang lugar na iyon. Ang lugar kung saan itinakda ng tadhana na mapuno ng pighati ang kanyang puso. Wari’y nakikiayon ang panahon sa kanyang pagdadalamhati. Madilim ang kalangitan, nagbabadya ng pag-ulan. Tulad ng kanyang mga luhang nagpupumilit na pumatak mula sa kanyang mga mata. Damang-dama niya ang angking lupit ng tadhana. Ngayo’y nag-iisa na siya. Kinuha na sa kanya ang kaisa-isang taong kanyang minahal. Ang taong nagbigay importansya sa kanya, ang nagsilbing lakas niya at nagbigay kulay sa kanyang buhay. Papaano na siya ngayon? Saan siya tutungo? Ano na ang mangyayari sa kanya ngayon? Ilan lamang sa mga katanungang namamalagi sa kanyang isip na pilit nyang inaapuhap ang mga kasagutan.

Sa puntong iyon, tila ba nabuwag ang tapang-tapangang imahe na kanyang pinagsumikapang ipakita sa lahat. Ngayong nag-iisa na siya, hindi na niya kailangang magkunwari na kaya niya ang lahat na matapang siya… nag-uunahang naglandas ang mga luhang kanina pa gustong lumaglag mula sa kanyang mga mata. Tahimik siyang nanaghoy, kinuwestiyon ang Maykapal kung bakit nangyayari ang mga bagay na nakakasakit ng kanyang kalooban. Magpailang-beses nyang tinanong ang Diyos kung bakit lahat ng kanyang mahal at minahal na tao ay nawawala sa kanya..kung bakit lagi siyang iniiwan..bakit kailangan na lagi siyang nasasaktan.. ngunit wala siyang nakuha kahit ni isang tugon sa kanyang mga katanungan.

Mapait at masaklap ang katotohanang nakaharap sa kanya ngayon. Hindi ba niya mawari kung hanggang saan at hanggang kailan niya kakayanin ang mga pagsubok na ito. Ilan beses ba na kailangan siyang maiwan at masaktan bago matapos ang kung ano-anong delubyong dinadanas ng kanyang kalooban? Kailan sya sasaya?

Kasabay ng kanyang tahimik na pagluha ay ang madalang na patak ng ulan na hindi na rin nagpapigil na makisabay. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nilingon niya ang lugar na nilisan..matamang tiningnan ang lugar na iyon…makailang sandali ay tumalikod at lumakad palayo…palayo sa lahat ng sakit…palayo sa kanyang nagdaang buhay…palayo sa kanyang mga pangarap ng walang katuparan..

Nilisan niya ang lugar na may ibayong kapayapaan sa kanyang puso…senyales na handa na syang harapin ang panibagong pangako at hamon ng buhay na ibibigay sa kanya.

________ ________, maraming salamat….dasal kong maging masaya ka kung san ka man naroron ngayon….




******************************************************
sa mga masugid na mambabasa (naksss! ahihihihihi) kathang isip lamang poh ito, mula sa aparador hanggang sa iba pang aking mga susulatin… laaht ng mgakakaron ng tag na kathang isip ay magkakarugtong.. kapag matapos ko na sialng lahat ay nasa sa inyo kung paano nyo bubuuin at aayusin ayon sa pagkakasunod-sunod ang kwento..wala po itong kinalaman sa aking storya ng buhay, although may mga ilang bagay na nakakahawig, ito ay hindi sinasadya..

sinadya ko rin na hindi gumamit ng mga pangalan..sa ngayon…
wala akong maisip na pangalan na gagamitin para sa yumaong tao na nakasulat sa kwentong inyong katatapos lamang na basahin..

salamat sa pagsubaybay…

Advertisements
This entry was posted in kathang-isip, life, love story. Bookmark the permalink.

One Response to Katuloy: Pag-lisan

  1. Anonymous ay nagsasabing:

    Hello. Often the Internet can see links like [url=http://www.whitehutchinson.com/aboutus/]Buy cialis without prescription[/url] or [url=http://www.rc.umd.edu/bibliographies/]Buy cialis without prescription[/url]. Is it safe to buy in pharmacies such goods?

Sarado na ang mga puna.