ETO NA! MSAYA NA SANA KAYO!!!

komersyal breyk muna sa mga nakakantig damdaming mga posts..tapusin ko muna toh at kulang na lang eh bombahin ang tahanan ko ng mga nag tag saken.. ang kukulit ng gma langgam..hayssss at dahil sa natambakan ako ng tag.. eto nga.. gagawin ko na.. pag-iisahin ko na lang.. isang mabilisang tag..tag…tag..

WHATEVER 10 FROM JEN Tag rules: sampung bagay tungkol sayo.. siyao na totoo at siyam na hindi. at tulad ng hinaing ng ibang mga nakagawa na neto.. ang hirap naman.. sana puro kwentong kutchero na alng ung 10 na yun.. here goes:
1. Nung 12 years old ako, naglayas ako. nagpunta ako ng Caloocan. (hindi ko sasabihin kung sino ang pinuntahan ko dun ahihihi) pero kinagabihan umuwi din ako kase sinundo ako nila fatherhood, iniwan ko akse ung kopya nung address na pupuntahan ko sa Caloocan dun sa ibabaw ng bed ko.

2. Peborit na peborit ko ang pasta..dati nung wala pa kong gaanong kaproblemahan, everyweek kelangan may isang araw para sa pasta night.

3. Mahilig ako sa vinegar. Kulang na lang eh lahat ng ulam lagyan ko ng suka.

4. Takot akong sumakay ng kabayo.

5. Nagmodel ako before para sa isang hotel and beach resort.

6. Hindi ako marunong lumangoy.

7. Marami akong krasssssesssssss.

8. Nakadapa ako kung matulog. Hindi ako makatulog ng ayos kapag hindi ako nakadapa.

9. May pet akong dog sa Baguio ang name eh princess Danaya.

10. May maliit na birthmark ako sa left hand ko na kulay pink.

ayan, nakaraos ng isa… syempre..ipapasa ko toh.. kay: Azel, Donna at Jentot hulaan nyo na rin kung alin ang isang hindi totoo jan.

derecho ko na lang.. 25 RANDOM THINGS ABOUT ME mula sa aking kafezbuk na si Tanten.. pasalamat ka at maagal an tayong hindi nagkikita kaya pagbibigyan kita dito. nyahahaha..

11. Mahilig ako sa lovesongs.

12. Sa handaan, paisa-isa lang ako kung kumuha ng ulam.. ayaw ko kasi ng halo-halo sila sa plato ko. kesehodang magpabalik-balik ako, kiber ko sa iba! basta ayawm ko nung isang kuhanan at pangit tingnan sa plate.

13. Kung gaano ako kadaling patawanin, ganun din ako kadaling paiyakin.

14. I love travelling. Enjoy na enjoy ako kapag bumabyahe kahit saan basta bumabyahe.

15. First time kong nagpunta ng Sagada, ninerbyos ako nang makita ko ung dinadaanan nung bus na sinasakyan namin.

16. Pinakamalayong EB na napuntahan ko eh sa Bontoc, Mt. Province, courtesy of Luzon14..kasama sina Falco, Mae at ang XYZ factor kong si Scout..

17. Nung bata ako, habang nagpapagala-gala sa Taal Vista Hotel eh nakakita ng buhay na tao na walang ulo.(Apparently hindi lng ako ang nakakita, ayon sa kasabihan, kapag ganun daw, kelangan lahat ng suot nung taong yun eh tanggalin that same time na nakita sya na ganun at ibaon sa lupa, otherwise, the person will end up dead bago matapos ung araw na yun.)

18. Nung grade 4 ako, middle ng school year nakabakasyon ako ng 2 buwan dahil sa Hepa A. laaht ng quarterly exams nung time na yun eh take home at sa math..open notes pa.. kaya naman ang taas ng grade ko nun sa lahat ng subject nung quarter na yun.

19. Gumanap ako bilang isang Greek Goddess sa isang school play nuong 3rd year highschool. with matching sexy costumes and kung anik-anik na accessories pa. (hindi pa ko mukhang bloated dolphin nun di gaya ngaun ahihihihi)

20. Twice ko ng maranasan mag 1-2-3 sa jeep..ung una, hindi sadya sa davao yun. yung pangalawa naman trip lang kasama ang mga crazy friends hahaha.

21. Isa ako sa mga regular na contributor ng “FORUM”, official newspaper ng school namin nung highschool. but never had the guts na makasali sa editorial staff.

22. Twice na kong nag seek ng psychiatric help. manic depressive kase ako. kung ano yan, i-research nyo na alng, ayaw kong magpaliwanag dito.

23. Sa CAT nung highschool, sa Medic lang ako.. at lagi pang hindi nakikiformation.. laging may sakit.. its that time of the month ang drama ko. kakuchaba ko kase ung school nurse, algi akong binibigyan ng excuse letter.

24. First day of classes nung First year, first sem ko nung college, 45 minutes late ako para sa 1 hour Filipino101 class ko.

25. May allergies din ako sa seafoods.. pero kapag sa outing at may mga seafoods, hindi ko mapigilan sarili ko. kaya algi akong may dalang gamot.. kakain pa rin ako akhti bawal pero susundutan ko agad ng 3 celestamine.

26. Dream kong magkaron ng Hotel as business..

***bakit 26? eh kase diba ung whatever 10, 9 na totoo, 1 kuchero.. kaya nagdagdag ako ng isa dito.. hindi ko na ipapasa to dahil halos lahat eh nakagawa na nito.

eto naman mula sa isang ka-prendster na si Tungek…repost na lang toh..

50 RANDOM THINGS i like:

(1)Love songs – hopeless romantic (2) Love stories – can relate (3)Chips (4)Vanilla – ice cream flavor (5) Writing – pouring of emotions (6) Grapes (7) Danielle Steel – great novel writer (8)CSI Nevada – interesting cases (9)Reading – past time (10)Blogging – keeps track of my life (11)Cosmopolitan(12)Black (13)Blue roses – unique (14)Halter (15)Sarah Mclachlan – singer (16)Word Find – past time (17)Angels – collections (18)Red Ink – nice to look at (19)Dark tops (20)Coffee – certified coffee addict anytime of the day (21)Penongs sa Davao (22)Live bands(23) Raindy days (24)Sleeping/cuddling (25)Chatting – makes me forget unwanted emotions(26)Gay friends – fun to be with/no dull moments (27)Travelling (28)Greek/Roman Mythology – nakaka amuse (29)Singing – greatest frustration (30)Shakespeare – his work…. (31)Heroes – save the cheerleader, save the world!(32)Tapsilog – with vinegar and tomatoes… yum yum (33)Reminiscing good times – makes me feel good (34)Anna and the King – Chow Yun Fat and Jodie Foster(35)Talking (36)Serendipity – very touchy (37)Sims – nakakatuwa (38)Mushroom (39)Spending time with my 3 angels – julyanah, kahlil and lian (40)Leche flan – creamy/caramelized (41)English – my favorite subject(42)Kids – really like kids especially my own (45)October – fave month coz its my birth month (46)17 – my fave number (47) Wednesdays – don’t why basta I LOVE Wednesdays (48)Walking while drizzling – have this calming effect (49)imagining (50)Pringles – sour cream and onion

whew! natapos din.. ang 50… ipapasa kay… Jentot, Enjoy at Marco

next ang NAME GAME TAG ni Arnie..ang rules: A.) List the names
that you are called by and name the people who call you by these names.

Rhea – close family members ko..

Reana Marie – nanay ko kapag nagagalit saken, si Jentot kapag iniinis ako.

Eyang – friendship kong si Gina sa tagaytay kapag inaasar ako. (unpredictble daw kase ang mood ko minsan para daw bagyo, at nagpaliwanag pa talaga ako!)

Yanang – si Manong ….. friend ko na isang forumer, shempre.. sa forum na sinalihan ko. nakalimutn ko na kung bakit yan ang tawag niya saken.

Bakla – kadalasang tawag ni Jentot saken..

Yan – tawag ng ex sis-in-law ko saken

Mommy Yanz – tawag ng isang ka sis ko sa SFC

Nak – tawag saken dati ng mothergoose kong si Aileen baka ngayon eh Suwail na ang tawag nya saken ahihihihi (ssssssshhhhhh Jentot)

Biiba – tawag sdin ni Jentot saken dahil kay Bibo ahihihihi

Yanah- tawag saken ng mga kaibigan ko.. in real life and cyber life..

B) Tag ten others to do the same thing, paste the link of your entry on their guestbooks.at ipapasa kay Jentot, CM, Kosa, poging(ilo)cano, bomzz, Doc RJ, Punky, SuperG, Oracle at Gillboard

sa wakas natapos ko rin ang mga tag tag tag na yan…. haysssss….

Advertisements
This entry was posted in tag. Bookmark the permalink.