Gir-Gir

jinx; curse; badluck; misfortunes… ano pa ba?

pakiwari ko ba ay tila isa akong napakalaking magnet…magnet ng kamalasan. not just misfortunes, but a series of misfortunes. nakakainis na. just when you thought na magiging okay na ang lahat, na makapagsisimila ka na ng bagong buhay, saka naman magkakaron ng aberya. just when you thought youve done everything to keep urself and ur feelings as well as ur situation intact, then your whole world starts crumbling down.

i know hinding-hindi applicable tong entry na to sa okasyon ngayong araw na toh. eh ano ba?! its not as if importante saken ang valentines day. (its not that i have anything againsts this day) its just that, ever since naman kase eh ordinaryong araw lang tong feb 14 sa akin. nothing special about this day for me.

kasunod ng tag na sigawan(which is what i really need considering what has happened in the past weeks) eto ang sunod… dito ko ilalabas ang lahat ng kabwisitan ko sa buhay nitong mga nakaraan araw. pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. mga ilang araw na rin akong hindi umiiyak. nung isang araw lumabas kami ni Jentot para kumain habang nagkkwentuhan kami hindi sinasadyang magawi ang usapan sa mga maselang bagay na alam namin parehas na magpapaiyak saken. pero….hindi ako umiyak.. motivate ko na ang sarili ko not to cry. i told myself, hindi muna ako iiyak.. iiyak ako pag talagang as in aalis na tlaga ko, ung tipong the moment has come na talaga. hanggang ngayon hindi ako umiiyak. mabigat sa loob pero tinitiis ko. ayaw ko ng makita nila na umiiyak ako. i know crying is not a sign of weakness pero i still dont want them to see me crying anymore. at kasabay ng hindi ko pagluha ay ang hindi ko rin pagtulog. pangatlong araw ko na tong hindi natutulog. i just cant sleep. kahit anong gawin kong pagbabasa, panunuod ng movie kahit ano, hindi pa rin ako antukin. sawang-sawa na yung mga tupa at bituin sa imagination ko sa kakabilang ko sa kanila. naisama ko na nga rin sa pagbibilang ko ang mga camel na mababaho dito pero wala pa rin. nananatiling mulat ang mga mata ko. sa tingin ko eh ang may kasalanan nito eh si mang ador.. si Mang Ador ung gumawa nung ipinantukod ko sa mata ko na naging permanente na. si Mang Ador ung main karakter dun sa wento ni mulong kung hindi mo pa nabasa un.. click mo to……at eto pa ang isa….gustuhin ko man which is talagang gusto ko naman na talagang matulog dahil napapagod din naman ako. ewan ko ba at gising na gising talaga ang diwa ko. hindi man lang magpahinga.

parang sasabog ung utak ko sa sobrang dami ng laman na dapat isipin. hindi na makafunction ng maayos. may mga ka-YM ako na tinatawanan na alng ako kase ang hina daw ng pick-up ko ngayon. eh ano naman magawa ko? ikaw na ang hindi matulog..magiging matino ka pa kaya? nito ring mga nagdaang araw eh para akong guidance counselor sa isang eskwelahan dito sa blogworld. aba, hindi alng dalawa, tatlo, apat ang naglabas ng kanilang hinanakit at reklamo sa buhay.. sa family..lovelife etcetera etcetera sa akin… syettttttttt anim sila.. naubos ang powers ko.. hindi naman sa nagrereklamo ako. masaya akong nakakatulong ako sa mga pinagsasabi ko sa kanilang advice. ang ikinaiinis ko alng eh ang galing-galing kong magbigay ng payo sa kanila na “dapat ganito gawin mo” echos-echos samantalang yung buhay ko eh daig pa ang dinaanan ng isang dosenang hurricane sa gulo. napaisip tuloy ako na anong karapatan kong magbigay ng payo ukol sa kung ano-ano samanatalang sariling buhay ko eh hindi ko maayos. sana lang din naman may napulot silang maganda sa mga pinagsasabi ko sa kanila. ewan ko ba sa mga taong yun at ako ang napili pagsabihan ng mga kaproblemahan nila. joke lang.. anytime kailangan nyo ng kausap, andito lang ako.. just a buzz away..(ayyyy! hindi pala, lagi pala nakamute)

ngayon pa alng pinaplano ko ng balikan ung psychiatrist ko sa baguio pag-uwi ko. natutukso na naman ako sa pesteng valiums na yan. pakiramdam ko kase eh im starting to lose my sanity. its like i couldnt take it anymore.. everything… im very worried concerning a lot of things right now. i know taliwas sa pagkakakilala nyo sa akin based from my story yung inaarte ko ngayon, i just cant help it.. tao lang ako.. pinaghihinaan ng loob, lumalambot ang tuhod, nasisiraan ng ulo…i mean im not as tough as everyone thinks of me. namaster ko lang yung pagtatago ng mga sangkaterbang problema ko sa likod ng mga halakhak, ngiti at kung ano-ano pang kakwelahan. yun lang marami akong nakastore na positivity sa katawan, kung minsan nga lang eh pumapalya at isa nga to sa mga pagkakataong yun.

mahaba na masyado. ..

the countdown starts now….
honga pala, bago ko malimutan… insert greeting muna ako..
advance happy beerday kay katagayang mulong!
baka hindi ktia mabati on time eh mainam na yung ahead of time kita mabati.. ahihihihi..
haba berdi to yu
haba berdi tu yu
habae berdi, haba berdi
haba berdi tu yu..
yahoooooooooooooo inuman na!
ayan ha nikantahan pa kita…

Advertisements
This entry was posted in depression, rants, raves. Bookmark the permalink.