Kung Ano-Ano Lang

yipeeeeeeeeeeeee! uuwi na ko… heksayted nga ba ako?! somehow, oo! heksayted saan? hmmmmm lemme see.. (1) makakasama ko na yung three makukulit and lovely junakis ko – as in super duper mega over misswah ko na silang tatlo..(2) Panagbenga – ilang years ko na ring hindi inaabot ang Panagbenga or Flower Festival ng City of Pines. laging wala ako sa Baguio sa panahon ng Panagbenga…(3) Hindi na ko makakaamoy ng sanlaksang mababahong amoy ng mga Panadolz dito na akala mo eh isang daang taon ng nakaimbak na panis na sibuyas ang amoy. eeeeeeew! (4) back to normal na rin ang english ko. kung sa Pinas eh english carabao….dito.. english Bakulaw ang english ng mga hinayupak na lintek na mga Pana na yan.. “same-same”, “why you no doing?”, “where go my friend?”, “you no understanding” syetttttt nakakabobo dito. (5) hindi na ko mahihirapan magbus.. OMG! as in OMG! namisswah ko rin ang sangkaterbang bus sa Pinas na hindi ka pagpapawisan sa paghihintay. samantalang dito eh tunaw na ang muk-ap mo sa mukha wala pa rin ang bus at kung mamalasin ka pa (hmmm which is almost always) pagdating ng hinihintay mong bus eh puno na, hindi ka na pasasakayin, next bus na. gudlak naman sayo dahil maghintay ka ulet ng isang oras sa pagdating ng panibagong bus. (6) magkikita na naman kami nung mga barkada kong sina kwek-kwek, pisbol, at sago’t gulaman na tinitinda dun sa may malapit sa sunshine supermarket..haymestyu guys ahihihihi nakakain lang ako ng squidball dito kapag nagshabu-shabu kami ni Jentot. (7) makakatira na ulit ako sa totoong bahay.. dito kase puro sa mga building nakatira nakakainis. dito ko naappreciate yung idea ng paninirahan sa isang bahay kubo na napapalibutan ng mga puno at kung ano-anong damo este halaman. (8) hindi na ko matutulog sa mga maiingay na double deck na bed… tsk tsk pambihirang mga double deck bed, kada galaw mo ngit-ngit ng ngit-ngit…maoobvious ka tuloy kapag nags……….se……..sepilyo ka sa kama mo kahit nakatabing ang telon mo ahihihihihihi…(9) mabibisita ko na ulit ang puntod ng aking fatherhood. mahigit isang taon na rin mula nung huli ko syang nabisita dun. kailangan din naman once in a while eh i-check ko sya dun baka nilalamok sya or kinakagat ng langgam dun. (10) Pinas yun eh.. home sweet home….

singit: wala naman talaga akong balak magpost ng entry ngayon, hindi alng ako makatulog.. yung kausap ko ba naman sa YM eh bigla na naman nawala.. wala man lang kahit mabilisang bye.. ang hirap pa neto, hindi mo malaman na umalis na pala.. eh pano ba naman eh nakatago mode.. nagtatago sa batas…sa kinauukulan… once again…iniwan mo na naman ako… dumadami na ang utang mo saken.. nyahahahaha…. malapit na pay back time… ahihihihih juk juk

ano naman ang mamimiss ko dito sa dubey?? may karamihan din…unang-una na ang LAYS….(wag na kumontra pogi at sir pajay! ahihihihi) mahal ang Lays sa pinas… sopdrinks…sa halagang 1 dirham may sopdrink in can ka na. sa pinas ba makakabili ka ng pisong sopdrink? malakas na a/c ng mga bus at taxi.. dito kase talagang hindi ka magrereklamo sa init ng a/c, magrereklamo ka sa lamig. mga park.. nuknukan ng daming park dito perpek for piktyu teyking at kung ano-ano pa… dito madalas magheld ng kung ano-anong gathering mga mga kabayans na malakihang group ang dadalo. murang pasahe sa taxi… naka 10 kilometro ka na, 5-6 dirhams algn ang babayaran mo. mamimiss ko rin ang sanlaksang mga grocery stores dito na kahit san ka tumingin eh meron…yan ang katumbas ng sari-sari store jan sa atin at nagdedeliver sila kahit isang piraso lang ang bibilhin mo, idedeliver nila.

*******konting seryus…… ok, fine! hanggang ngayon kahit buong-buo na yung desisyon kong umuwi, hindi ko pa rin mafeel.. nagtatalo pa rin ang puso’t isip ko sa pag-uwi..unang-una, financial matters, pangalawa employment matters, pangatlo nasanay na rin ako dito, kahit pano naka adjust na ko. pero gaya nga ng sinabi ko, kailangan eh. necessity (nawiwili na kong gamitin yang word na yan.. para kasing tunog mayaman ahihihihi) na umuwi talaga ako eh.. maging maayos sana ang kahinatnan ng pag-uwi kong toh.. bahala na si Batman (hindi ikaw James wak na reak!)

******never ending pasasalamat sa mga well wishers… hindi ko na ulit iisa-isahin… marami eh.. at special mention kay kuya kenji ng kablogs… grabe…. talaga naman touch na touch ako sa mga tribute nyo for me.. my life is an open book, i opened it sa public para maka-inspire..ma-impart ko ung mga natutunan ko from my katangahan este my mistakes… may mga nakakausap ako na may napupulot silang aral kahit pano.. salamat naman… something good came out from the suffering hahaha… basta, maraming salamat sa lahat…. at wag na kayo magworry…. tulad ng sinabi ko dun sa entry bago to, hindi na mawawala ang Life’s a Twitch.. sabi nga ni kuya Nebz, kahit sang lugar ka man mapunta, Life is always a Twitch..anticipate mo na yan.. hopefully, when i go home, there’ll be more of Life’s Twitches for me to share to everyone… ang telon ng aking tahanan/buhay ay mananatiling nakabukas para sa inyong lahat…..

Advertisements
This entry was posted in dubai, home, miss, Pinas. Bookmark the permalink.

One Response to Kung Ano-Ano Lang

  1. Anonymous ay nagsasabing:

    The writer of lifetwitching.blogspot.com has written a superior article. I got your point and there is nothing to argue about. It is like the following universal truth that you can not disagree with: Money cannot buy happiness, but it can at least pay for some new components. I will be back.

Sarado na ang mga puna.