Huling Yugto

The whole time eh pinapanuod lang ni JD ang exchange of words namin ni Evil witch. (lumaki ulo ng hayup—sorry for the word…habang pinanunuod kami, feel na feel nya na pinag-aagawan sya ng 2 babae.) in fairness naman kay girlaloo, may angkin din syang kagandahan at katabaan este kabataan pala.. the girl was only 19 years old that time and JD, was 26 or 27 already that time. bigla kong naalala ung full name nung girlaloo, hindi ko na babanggitin kase baka relative pa ni Doc RJ.. Masyadong maliit ang lugar na yun, hindi malayong maging magkamag-anak sila. going back…matapos ang confrontation with the evil witch, nakaramdam naman siguro ng kaunting hiya ang babae at nagpaalam na pauwi.. ang lekat! nagpahatid pa JD sa labas.. kinayang pumasok mag-isa pero hindi magawang lumabas mag-isa.. marahil eh naglampungan pa ang dalawa. i dont freakin care! (sabay haba ng malapad na ilong) Pagkabalik ni JD galing sa paghahatid ng malanding evil witch, ako naman ang hinarap nya. aba! at may gana pa akong pagalitan aprang ako talaga ang may ginawang masama. so, we had a fight about it..well, actually inaway nya ko, dinaan nya yung tactic sa sya ang unang nagalit..ako dinaan ko sa pananahimik. when i couldnt take it anymore, nakipagsagutan na ako. all the while nanunuod at nakikinig lang samin si JM, when i noticed na andun algn sya, i just stopped talking and kept silent, napikon ung isa, dahil daldal sya ng daldal pero hindi na ko kumikibo, i walked out on him.. he followed me sa kitchen still shouting and shouting. i couldnt not understand why he’s so upset when i should be the one who should be upset and be bitter about things. baliktad na talaga ang mundo. para akong nabibingi sa kanya, talak sya ng talak, umiiyak na si JM sa takot, umiiyak na rin si Kahlil dahil nagising sa pagkakatulog, hindi ko alam uunahin ko, i just had to scream…and so i did.. screaming at him. telling him to stop, asking him to keep his mouth shut. para na ko naghy-hysterical sa ginagawa kong pagsigaw, nasobrahan na ko. minsan kahit anong pagpipigil mo, sasabog at sasabog ka pa rin kapag napuno ka. he slapped me. i stopped for a moment. trying to decipher (scoon, pahiram ng word… reaksyon CM! hahaha) what the hell happened. sinaktan nya ako ng dahil dun sa babaeng yun? anong karapatan nya apra saktan ako? di pa ba sapat yung pananakit ng damdamin ng ginagawa nya saken? emotionally drained na ako for so long because of being brutally wounded emotionally, isnt it enough? hindi pa sya nasasayahan sa ginagawa nya? mga tanong ko sa sarili ko na walang kasagutan. i left the house and just walked… sa layo ng nilakad ko, nakarating ako ng Notre Dame… mula sa palengke hanggang dun sa Notre Dame, (hmmmmm Doc RJ, pakibgay na lang yung distance nun para may idea sila ahihihihi) bigla kong nalimutan ung mga bata, nakalimutan ko kung ano ba yung nangyari, sa sobrang pamamanhid ng pakiramdam ko, hindi ko na alam kung ano ang dapat maramdaman at that time. nakauwi din naman ako ng matiwasay, siguro mga 2 oras din akong nawala, pagbalik ko sa bahay, tulog na yung dalawang bata at hinihintay nya ako.. ilang araw ko din syang hindi kinibo. hanggang sa kinailangan ko ng bumalik ng davao para pumasok sa trabaho.

i kept thinking na lalo nung time na yun at wala ako, malamang na madalas silang magkita nung babaeng yun. hinyaan ko na lang, nagtiis akong malayo sa mga bata, nagtrabaho para makaipon agad at makabalik kami ng manila. a week after, schedule ko ng pag-uwi sa Mlang nang magulat ako na biglang dumating ang mag-aama ko. binibisita daw nila ako. eto na naman sya, matino na naman sya.. maalaga, extra sweet na naman. apologize na naman. at nagbitaw na naman ng pangakong mapapako. (hindi na daw mauulit, titigilan na daw nya yung evil witch) at shempre ako naman si tanga… naniwala na naman, nagpakatanga na naman. ano magagawa ko? mahal ko eh!

they stayed in davao for about three days.. three days na naging maayos at masaya. hanggang sa mapagdesisyunan naming maging permanente na sila dun sa davao para hindi ko na kailangan umuwi-uwi. hindi rin biro ang nangyari samin sa davao, dumating pa rin dun s apoint na sobrang naghirap talaga kami—ako sa pagpprovide. 2 bata na yung sinusuportahan ko, plus sya pa, renta sa bahay, kuryente, tubig, pagkain, pamasahe ko araw-araw sa trabaho. halos maloka ako kung panong magkakasya yung sinasahod ko sa trabaho ko. siya naman ewan ko, nagwoworry daw sya eh, ewan. para sa taong worried sya ang walang aksyon na ginagawa para mawala ung pagiging worried nya sa sitwasyon namin. duamting din ako dun sa point na sa sobrang kagipitan eh hindi na kami tatlong beses kung kumain sa isang araw, priority ang gatas ni kahlil at ang pagkain ni JM. kung minsan noodles na lang at tinapay ang ipinapakain ko kay JM. Nang minsang may pinuntahan kami sa Mall na interview, naghihintay sila sa may foodcourt, gutom na gutom ang bata, sabay sabi sakin na gutom nga daw sya. naiyak ako dahil wala akong kapera-pera nun para ipambili akhit man lang tinapay para sa kanya. ang tanging pera na nasa bulsa ko nuon eh pamasahe namin pauwi sa bahay. matapos ang interview na yun eh kinailangan ko pang magsanla ng mobile phone para pantawid gutom nilang mag-aama at para na rin makaalis ako papunta sa training dun sa papasukan ko. hindi pa man din ako nakakaalis eh namomoroblema na ko kung pano ko tutubusin yung sinanla ko. nag-iisip na naman ako kung bakit ako nagtitiyaga. kung bakit ako nagtitiis na kasama sya. magkakasama nga kami pero mamatay naman ang mga batang tirik ang mata sa gutom at walang magandang kinabukasan. balik na naman ako sa pagpaplano ng pag-alis. matapos ko lang ung 3 linggong training ko mareregular na ako. matataasan na yung sinasahod ko, hindi na sila magugutom at kahit pano makakapagtabi na ko ng pang-alis namin dun.

hindi ko natapos ung training, nagkasakit ako ng halos dalawang linggo. kinailangan kong umuwi. natural mente, wala akong napala. inalagaan nya naman ako, kung ano mang pangangailangan namin that time nagprovide naman sya, malamang nanghingi sya sa kapatid nya ng pang sustain samin while im sick. he took care of me. ang nakakainis talaga, kapag nagdedecide na ako na iwan sya at kalimutan sya saka naman din un ung time na nagiging maayos ang takbo ng pag-iisip nya. bakit ganun? ang dali kong magpatangay…

Aksidente ang pangatlong pagbubuntis ko. ( again, i hope u guys wont judge me.. its not everyday that we do it.. its not everyday na nagsesex kami at nakakabuo agad..sorry for being straight forward, pero kase naman there’s no easy way to explain it) wala sa plano..walang-wala. even though alam kong mas mahirap na maging tatlo ang anak namin, i still accepted it ng masaya..God’s gift….pero para sa kanya, hindi…isa itong parusa daw, dagdag pasanin. naisip kong paanong magiging dagdag pasanin sa kanya eh hindi naman sya ang nagbabanat ng buto para mabuhay kami. 2 weeks delayed ang period ko..hindi ko pinansin, nung may ikatlong linggo dun na ako kinabahan. eksaktong isang buwan, nagpacheck up ako, kumpirmadong buntis ako. kinagabihan sinabi ko sa knya. and here’s what he told me..”im sorry, pero narealize kong hindi pa pala ako ready to be a husband and a father, i want out sana.” for crying out loud naman! saka nya sasabihin saken na hindi pa sya ready after three!!! never mind being a husband, what about ung role nya as father to my kids? i mean, tanggap ko na rin at that time na malabo na ung samin pero at least be a father naman to his children, un na lang ang hinihiling ko sa kaniya. Pero sadyang wala siyang utak at wala syang puso. that same day. he left us….

through the help of a friend in Manila, nakabalik ako ng Luzon, two kids with me. 8th months pregnant ako umuwi ako ng Baguio sa mom ko and sis, i gave birth to a healthy baby girl named Jillian Margaret…had an agreement with mom. sya muna mag-aalaga sa mga bata, ako naman aalis papuntang Dubai. leaving my children especially JM, hindi ganun kadali.. at hindi rin ganun kadali yung sitwasyon namin ng nanay ko.. kaiba yung set up, maraming conditions para maiwan ko sa kanya yung mga bata, sa ibang kwento na yun. i left when my youngest was only 4 months old..

i left with a heavy heart..thinking this is the right thing to do..kahit mahirap kailangan gawin, for the sake of the children…

ayan… tapos na yata…
(sa totoo lang in between marami pang nangyari kaso alng pag sinama ko pa yun hindi na matatapos toh. ang sumunod jan eh buhay dubai ko na at hindi ko ng panibago.. kung gusto nyong malaman, umpisahan nyo ang blog ko mula sa simula.. hahaha but i know you wouldnt do it nyahahaha..)

i wish to give you a happy ending story but it doesnt always work that way. sometimes or of most of the time, in my life stories, its always on the sad ending…

i couldnt say ive fallen out of love, for i know deep within my heart i still love him. kahit na naging ganun sya, he has given me three lovely angels …my jewels, my treasure..my everything…he will always be a part of me, no matter where i go.. he will always be here tucked in the deepest part of my heart, his name will be forever be engraved in it.

i guess this is the part where Yanah says goodbye to the Big Bad Wolf….this is where the curtains close, the characters goes to the backstage…the audience leaves the room…this is where the story ends…and this is where my new life begins…

salamat sa mga nakipanuod sa isang bahagi ng mapait, makulay kong buhay……

Advertisements
This entry was posted in fairy tale, love, love story. Bookmark the permalink.