Ikatlong Yugto

Dumating ang mag-ama ko kasama si sister-in-law na hilaw. ever since the world begun ayaw na sakin ni sis in law. may iba kase syang bet para kay JD. isang girlaloo na ex ni JD before na nakapangaswa ng mashondang natepok agad…may sariling beach resort at businesses sa palawan, kaya hate na hate ako ni sis-in-law na itatago natin sa pangalang ate A…kaya nung dumating ako eh kulang na lang lamunin ako ng malalaking mata nya sa pandidilat sken…deadma naman ako,hindi naman sya ang ipinunta ko dun. iniwanan kaming dalawa kasama si JM sa isang kwarto dun sa police station para makapag-usap. yun ang unang pagkakataon na nawalay saken si JM ng ganun katagal. para bang hindi na nya ko kilala at halos ayaw nyang lumapit saken. may kung anong kirot ang naramdaman ko sa eksenang un. nag-usap kami. nagulat daw siya, hindi nya daw akalain na masusundan ko sila dun. di daw nya akalain i would have the courage to face my fear…(travelling through sea) at narating sila. i just kept silent. i let him do the talking. i didnt think it was my moment that time. he eventually realized he’d been talking too much. finally kept silent but after a while asked me, :”ano gusto mo mangyari ngayon?” and i just answered, “gusto ko lang makuha si JM…un lang. ayoko ng kahit anong gulo.” and he answered back, ” hindi mo makukuha si JM. kung gusto mo siyang makasama, makisama ka dito samin. dito tayo titira.” now what was i suppose to say to that? i was left speechless. hindi ako handa sa ganitong sitwasyon. ang balak ko alng talaga ay kunin ang anak ko at umalis, pero pano ko na gagawin yun ngayon?

Umalis kami ng himpilan ng polisiya nang magulo ang aking pag-iisip.habang nasa daan, bigla sinabi ni sis-in-law “sa bahay ka na tumuloy kesa magrent ka pa. sayang ang pera.” nagulat naman ako dun, hindi ko sya nakilalang very accomodating at hospitable.. pero dahil sa libre nga yun. gumora ako sa bahay nila at dun nagdecide mag stay habang nag-iisip kung ano ang aking magiging sunod na hakbang. natapos ang araqw na hindi lumalapit sakin si Julyanah. isa, dalawang araw… hanggang sa nagsawa na rin siguro ang bata sa pandedeadma sakin kaya’t bigla na lang syang lumapit at kumandong saken. sabay sabing “abi Mommy A wak daw ato ama ayo. bad ka daw. away mo daw papa ko.” hindi na ko nagulat sa mga sumunod na sinabi ng bata. alam kong gawain nila ang manira ng tao. maghapon kaming naglaro ni JM nang araw na yun, hanggang sa kinagabihan ay nakadikit sya sa akin. that night, she decided na tumabi saken sa pagtulog. the next day nagdesisyon akong bumili ng ticket pabalik ng manila, shempre kasama si JM. nakita pala ako ni JD sa ticketing office.. at agad-agad nya akong kinausap. he’s trying to convince me… this time, he made it sound as if im included in his plans already. he kept saying that everything will be different. nasabi nya na the past few days i was there made him think of his mistakes and this and that.. the usual pagpipigil ng pag-alis effect at ako naman si tanga… nagpatanga na naman ulit.. sa isang gasgas na pangako na nakabalot sa matamis na ngiti, tinalikuran ko ang buhay na iniwan ko sa Maynila at nagdesisyong magsimula ng panibago sa Mindanao.Naging mabait naman si sis-in-law sken. several days passed..kaiba na ang pakiramdam ko. kinabahan ako.. bigla kong naalala na sobra na ang pagka delay ng buwanang dalaw ko. dali-dali akong lumabas at nagtungo sa pharmacy at bumili ng PK.. it says positive.. bumili ulit… positive ulit… bumili ulit..positive ulit..hanggang sa nagpunta sa ospital at nagpacheck up na talaga.. ganun pa rin… positive talaga.. and this time.. napatunayan kong positive talaga.. buntis talaga ako. i was 19 weeks pregnant that time. hindi ko man lang nalaman na nagdadalang tao pala ako bago ako bumyahe mag-isa. natakot akong ipaalam JD, natakot na baka bigla na naman siyang magbago tulad nung nagdaang pagbubuntis ko. pero alam kong kailangan nyang malaman, kailangan kong ipaalam sa knila. Ngunit hindi ko pa man din naipapaalam ay nagsisimula na naman siyang magbago. bumalik siya sa dating paglabas-labas nya ng gabi. ang malimit na pagtunog ng kanyang cellphone at patagong pagbabasa ng kanyang mga mensahe. hinayaan ko lamang. ayaw kong makialam, thinking na baka sa sobrang pakikialam ko eh we ended up like what happened the last time.. 6months preggy na ako when my belly started to show thats why ive no other choice but to tell him.. and when i did, wala man lang kahit anong reaksyon from him.. mas excited pa ung mga pamangkin ( all were teen agers 20, 19, 17,16 ) nya kaysa sa kanya. i wasnt actually bothered kung san kukuha ng gagaqstusin kapag when i give birth kase nakakaraos pa namna ako dahil sa ipon ko. worried ako sa kung anong mangyayari at kung anong pagbabago na naman ang mangyayari sa kanya. mas madalas na ang paglabas-labas nya tuwing gabi. walang pakialam kung may naghihintay sa kanya o wala. madalas kausap at kasama ko sa bahay ang katulong at si julyanah. the day before i was suppose to give birth, sangkaterbang labahin pa ang ginawa ko. nang bigla syang dumating malamang ay para magbihis. nakita nya ako.. at nagtanong, “ano ginagawa mo jan?” hindi ako sinagot sa halip ang sinabi ko sa kanya ay..”pupunta na ko ng hosp bukas.. bukas ung sked ng CS ko” “ah ok. cgeh. anong oras ba? sunod na lang ako.” sabay talikod. hindi ko na napigilan nang bumuhos ang mga luha mula sa aking mga mata na naguunahan sa paghulagpos. wala akong nagawa kundi ang iiyak ang sama ng loob na naramdaman ko. kinabukasan, i gave birth to a healthy baby boy named Josef Kahlil. stayed in the hospital for 2 days then went home.. in fairness to him hanggang sa gumaling ung tahi ko sya ang nag-asikaso ng lahat.. tinutulungan nya ako.. inaalagaan nya ang baby. pero when he saw that i can move on my own… he went back to his old ways ang pagiging laging wala… a month after i gave birth, i travelled to davao which is about 2-4 hours travel by bus or van.. i went there to look for a job. kailangan ng makapagtrabaho ulit at kumita. dalawa na ung anak ko. balik na naman sya sa pagiging iresponsable nya. nagisip akong magtrabaho para kumita, makaipon ng konti at bumalik ng cavite kasama ang mga anak ko.iniwan ko sa pangangalaga nya ang dalawang bata. umuuwi naman ako every chance i get just to see them., it went on for like 8 months. so, far okay naman.. less pressure dahil hindi kami araw -araw nagkikita. hindi ako araw-araw naaburido sa kanya. somehow naging okay naman ung set up. except this one friday afternoon i went home from davao. he was outside cleaning the garage .. he left his mobile phone sa loob ng house ng nakasilent. napansin kong umilaw.. so tiningnan ko. 1 message received. binasa ko. “dear, asan ka? punta ka dito sa school. samahan mo akong manuod ng program.” i replied, ” nandito ako sa bahay, walang magbabantay sa mga bata, nasa Davao si Yanah. ikaw na lang magpunta dito.” waited.. beep..”sige, punta ako jan ng mga 2pm. derecho na lang ako? sure ka hindi dadating si Yanah?” i replied ” oo, sa sunday pa ang uwi nun. derecho ka na lang. wait kita ng 2pm ha.”

hanggang sa mag aalos dos ng hapon hindi ako mapakali..sa totoo lang hindi ko na maalala ngayon kung ano ang pangalan nung babae. dumating ang alas dos ng hapon. walang kaalam-alam si JD na darating ung babae. silip ako gn silip sa bintana hanggang sa may nakita akong babaeng pumasok.. naka uniporme pa. sa isip-isip ko lakas ng loob punta sa bahay ng lalaking may asawa’t anak nang naka uniporme pa.. hindi man lang nahiya ng konti…saktong pagkakita sa kanya ni JD na gulat na gulat.,. nakita rin ako ni babae at halatang nagualt din sya. nagkaintindihan na ang dalawa na na-set up sila. nakuha pa nilang mag-usap nang matagl sa harapan ko. sabay baling ni babae saken at sabing :
Evil Witch: alam ko namang ikaw ung katext ko kanina eh gusto lang talaga kitang makialala kaya nagpunta ako dito.
ako: alam mo naman pala. tumuloy ka pa. kapal naman ng mukha mo.
Evil Witch: eh gusto nga kitang makilala eh.
ako: hindi ka na nahiya na pumunta sa bahay ng lalaki. anong klaseng babae ka?
Evil Witch: yun lng ang reason ko, gusto ko alng makita ka. (sabay ayos ng hair)
ako: if i were you, the minute u saw me, i wouldve bcked out already. but it seemes wala ka kahit kaunting kahihiyan sa katawan. are you that desperate na humabol sa may pamilya nang lalaki?
Evit Witch: i dont know what u say. its none of ur businesss my coming here. (i swear! ganyan talaga sya mag english)

**** yan ang eksaktong mga salitang nagamit sa eksenang yan dalawa’t kalahating taon na ang nakakaraan.****

itutuloy ulit…

*****************************************************************************************
bet – gusto; like
mashonda – matanda, old, gurang
gumorra – nagpunta, go
******************************************************************************

Advertisements
This entry was posted in fairy tale, love, love story. Bookmark the permalink.