Ang Pangalawang Yugto

Hindi ko alam kung tamang ituloy ko pa ang kwento tungkol sa amin ni Big Bad Wolf. Pero yaman din lamang na naumpisahan na, sige na nga.. ipagpapatuloy ko na rin. Tulad ng sinasabi ko sa iba, paminsan-minsan maganda at tama ring nagbabalik tanaw tayo sa ating nakaraan. Hindi para manumbalik ang galit at pighati na nanahan sa ating mga puso sa mga nagdaang mapapait na pangyayari sa ating buhay. Magbalik tanaw upang ating mabalikan ang mga bagay kung saan tayo natuto, mga bagay na siyang nagpatatag sa atin, mga nagdaang pangyayari na siyang nagturo sa atin na tumayo sa ating pagkakadapa.

Babala: Tulad ng mga dati kong nailimbag, ito’y isang mahabang babasahin. Ngunit kaiba sa mga nauna kong naisulat sapagkat ito’y naglalaman ng kaseryosan na baka ikabagot mo lamang. kung kaya ipinapaalam ko na sayo ngayon na may pagkakataon ka apng huwag ng ituloy ito…

***Pero bago magsimula ang kwento, batiin ko muna si fatherhood ko ng HApPY BeRDeY! kung nabubuhay sya ngaun, ipinagdidiwang nya ngaung araw na ito ang kanyang ika-70th bday! happy bday sayo aking ama! alam kong masaya ka kung asan ka man ngayon.***

Pangalanan natin si Big Bad Wolf.. si JD..naging magkasintahan kami ni JD nang matagal-tagal din naman bago ako nagdalang-tao.. mga dalawang taon din kaming naging magsing-irog ng walang nabubuong bata sa aking sinapupunan. sa dalawang taon na yun, larawan si JD ng isang napakabait, maaalalahanin,mapagmahal, maunawain at responsableng nobyo. wala kang masasabing masama ukol sa kanya. nakilala siya ng aking ina at kapatid, na ang tingin sa kanya ay isang mabuting tao. hanggang sa nagdesisyon kaming magsama…(i hope u guys wont crucify and judge me for goin thru this living-in thing, tao lang ako nagkakamali…) dala ng kasabikan na makaranas ng buo at matinong pamilya..pumayag ako sa gusto nyang magsama kami. natural ay hindi alam ng aking ina itong mga bagay na ito. bata pa lamang ako ay ginusto ko na talagang magkaron ng anak ng nasa kabataan ko pa ako.. ang rason ko? para halos magkapanabay alng kami ng mga magiging anak ko.(which is what happened) Matapos ang ilang buwang pagsasama, nabuntis ako sa aming panganay na sa Julyanah. Dito nagsimula ang lahat ng pagbabago. sa hindi ko malamang dahilan ay unti-unti siyang nagbago. unti-unting nag-iba ang kulay nya. sa aking pagdadalang tao.. nag-iisa ako sa lahat ng bagay. Hindi ko nakuhang humarap sa pamilya ko at ipagtapat ang totoo. nanatiling lihim ang lahat. Kahit na nasa iisang probinsya kami at magkaiba lang pamayanan ay hindi nalaman ng pamilya ko na ako’y nagdadalangtao..mag-isa akong namoroblema para sa lahat. Isa ako sa maraming babae na nagpakatanga at nagpakabaliw sa tinatawag na pag-ibig na yan. I was–been a battered wife.. physically and emotionally. i didnt know what came about the changes in him. But he started hurting me….hitting me.. slapping me and sometimes even accused me that it wasnt his baby im carrying. He would say curses at me and tell me im the biggest mistake in his life and that i ruined his life. I dont mind the hitting–the slapping.. but what hurt me most was his words.. words which seemed to cut deep into my heart, silently killing me… unti-unting pumapatay sa pagkatao ko. There are times when he’s okay, he seems normal and there would also be times when he’s different. hindi ako magmamalinis, maaring may mga naging kasalanan din ako kung bakit nagkaganun ang lahat. Pero, ewan ko… hindi ko alam.

I was also working at that time.. i stopped working when I was 8 months pregnant. i had to stay at home and just wait and prepare for JM’s coming. From the moment he graduated up until i was pregnant and gave birth, he was literally jobless. I was the one providing for everything we needed. On my expected date of delivery, I was told that i have to go C-section.. so i did..it almost took all my savings. its like as if im a single mom already. still, my family doesnt know anything about it. i got away with my 9 months pregnancy plus JM’s 18 months before i told them about it. its not easy living with him, hindi rin madali na itago ang lahat sa pamilya ko. Hindi rin madali na pakisamahan ang isang taong pabago-bago. i dont know if he is into drugs at that time which made him change. come to think of it, i wasnt exactly sure of anything at that time. pero wla akong ginawa na kahit ano.. mahal ko eh.. at tanga ako… nagtrabaho ako muli para samin. sa aking pamilya. habang siya naman ay ang nag-alaga sa aming anak at naiwan sa bahay. pero ang sitwasyon ganun pa rin hanggang sa hindi ko na nakayanan nagdesisyon akong makipaghiwalay sa kanya. at that time, ang aking ina at kapatid ay lumipat nasa baguio, so i packed all my things as well as the baby’s. JD asked me if he could have JM just for 1 week at ihahatid nya sa baguio. nagtiwala ako. hindi ko naisip na may binabalak sya. umalis ako. umuwi ng Baguio at naghintay ng isang linggo. Lumipas ang isang linggo walng JD at JM na dumating.. Tinawagan ko pero hindi ko na makontak. dalawang linggo. tatlong linggo. isang buwan. hindi na ko mapalagay. hindi rin ako agad nakababa ng Manila dahil sa kasalukuyang nananalasa si bagyong Milenyo.. nang humupa ang Bagyo, bumalik ako ng cavite hinanap sila pero wala na. pinuntahan ang pamilya nya at duon ko nalaman na nagpunta silang mag-ama sa Mlang, North Cotabato. kung san nakatira ang kanyang kapatid. ayaw nialng ibigay sakin ang eksaktong address sa Mlang kahit anong pagmamakaawa ang gawin ko. lumisan ako sa bahay ng kanyang pamilyang bigo. pero naisip kong hindi ako dapat sumuko. sa kahit anong paraan kailangan mabawi ko si JM.

Nagdesisyon akong magtungo sa Mlang, North Cotabato. naisip ko, “bahala na si God saken. hindi naman niya ipapahintulot ang mga hindi dapat mangyari” armed with courage and the willingness na makita at makasama ulit ang aking anak, nagbyahe ako patungong North Cotabato lulan ng Super Ferry para sunduin ang aking anak.. not knowing na i was already 4 months pregnant with out second child that time. First time kong sumakay ng barko.. errrr first time kong sumakay sa kahit sasakyan na lumulutang sa tubig. mag-isa, walang siguradong destinasyon…

Dumating ako sa Pier ng Polloc ng 5am ng oktubre 8, a day after my birthday. i spent my 22 or was it 23rd bday sa gitna ng dagat. paglabas ko ng pier kinailangan ko pang sumakay ng jeep patungong mlang.. nakarating kami ng mlang ng bandang 6:30, linggo na umaga. hindi ko alam kung san ako magsisimulang maghanap, kaya naisip kong magpunta sa police station at duon magsimulang magtanong. yun nga ang ginawa ko, fortunately, kilala ang pamilya ng napangsawa ng sis in law kong hilaw.. naiwan ko sa police station habang ang mga nakausap kong pulis ay nagtungo sa bahay nila upang sunduin sila..

Makalipas ang mahigit kalahating oras na puno ng kaba, dumating si JD kasama si JM at kabuntot na rina ng sister in law kong hilaw..


Itutuloy….

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.