Ang Lab Story ni Yanah at Big Bad Wolf

hay naku! anubeh! due to insistent public demend! tumabo sa takilya ng pinilakang tabingi ang tanong ng aking junakis na “mama, tan ti papa ko?” eto na! yes…eto na ang hinihintay ng lahat! i will make revealing (kumustahin naman the gramming. DOC RJ no need for definition nah noh? grammatically wrong lang naman eh hahaha)the story behind enemy lines… matagal kong nipag-isipan kung akin ba talagang iba-bla-gag ito, pero nang dahil sa naunang entry dito kung saan ang mga kyuryus na pusa ay naglipana na hanggang sa magical YM eh ako’y binobomba ng samu’t-saring katanungan ukol sa big bad wolf.. heto na… matapos ang napakahabang pag-iisip.. mga payb minutes….ayyyyyyy so tagal na nun! nag-iisip na rin ako ngaun pa lang kung ano na namang mga pagyurak sa aking pagkatao ang gagawin ni JAME-JEN (nyahahahaha salamat sa matchmaking skills ni Kosa, na sinegundahan naman ng poging(ilo)cano) sa blog entry na to.. nabatid kong malaking paghihiganti ang gagawin dahil sa huling komento na iniwan ko sa kanyang peyds.. ahihihihihi pasensyahan na lang at malikot ang aking imahinasyon, hindi ko pa nga sinulat ang kabuuan eh.. just wait hahaha…

nalalayo tayo sa tumbukan eh.. para sa mga kyuryus na pusa….nais nyo bang makita ang larawan na naging sanhi ng aking pagdadalamhati? naka naman! joke lang.. hindi ako nagdadalamhati.. im soooooo over him! (biglang humaba ung ilong! nyahahaha at may kaunting bitterness in between letters pa nga eh hahaha) gustuhin ko mang ipakita sa inyo ang kahitsuraan ng Big Bad Wolf eh di ko magagawa sapagkat binura ko na sya sa aking prenster akawnt.. at naka private profile ang ayufff… (chureee) wala naman akong naitagong larawan nya.. hindi ko kase gali magtago ng mga petyurs ng aking nagdaan hahaha

at dahil sa Pebrery naman ngayon, pagbibigyan ko ang madlang world ng blogging na masilip ang lab tale namin ng big bad wolf.. nag-umpisa ang lahat sa jifney! papasok ako nun sa aking paaralan, monday molneng nuon.. walang mga jifney.. punuan lahat, at dahil sa isa akong huwarang estudyante, nagkakandakumahog ako sa paghahanap ng jifney kung san ako makasakay.. lintek kaseng de la salle cavitete yan! kung baket hindi itinayo sa highway…. at kung bakit pag bumaba ako ng bus mula sa bundok ng Tagaytay eh kakailanganin ko pang sumakay ng jifney makarating lamang sa paaralan ng mga tutyaling gaya ko! nyahahaha going back… at dahil nga sa walang jifney, nagdesisyon akong sumakay na lamang ng traysikol…nung pumara ako ng traysikol, hindi ko napansin ang damuhong big bad wolf na pumara din, ang ending, parehas kaming pumara sa isang traysikol at nang huminto, parehas din humabol para makasakay.. sa tafat ng traysikol…nagkabungguan kame ni big bad wolf..

BBW: ay sori miss! sasakay ka ba?
Ako: obvious ba?! kita mo ngang pinara ko yan eh! ( jafeyk na pagtutumaray.. nagmamaganda while ayos ng hair…)
BBW: sensya na, ako kase ang unang pumara eh.
Ako: bulag ka ba? kita mo ngang dito yan sa malapit ko tumigil.
Traysikol: teka .. wag kayo mag-away. san ba kayo? la salle ka din diba? (asking BBW)
BBW: opo manong
Traysikol: (yung driver poh ung nagsalita hindi ung traysikol na vroom vroom) eh di magsabay na lang kayo, iisa naman kayo ng pupuntahan eh. kesa mag-away kayo. ok ba un sayo miss?
Ako: pede rin po. male-late na rin kase ako, ayaw ko ng makipag argue sa taong bastos.
BBW: ako pa ngaun naging bastos nag sorry na nga
Ako: hmp!
Traysikol: o, sya! sumakay na kayo!
-biglang pumasok sa loob ung BBW-
Ako: ang kapal talaga! ano gusto mo? ako dun sa likuran ni manong?
BBW: ang dami mong arte.. kung gusto mong sumakay dito sa loob pumasok ka na, kung ayaw mo dun ka sa labas, hindi ako pwede dun sa lbas at magugulo ung buhok ko, hindi pa naman ako naka gel!
Ako: leche! hmp.. (sabay sakay sa loob habang nagngi-ngitngit)
(whew! i remember everything as if it were yesterday…)

dyan nagsimula ang lahat…

hanggang sa kahit sa laki ng espasyo ng buong ka-la sallan eh nagkakabungguan na kami… tapos naging friendship ung mga friendship namin,, tipo bang nag joint forces na ang groups.. nag merge ba.. which leads to regular na pagkikita… dahil nga sa laging nag-aaway eh lagi rin kaming tinutukso nung mga friendship namin… ayun nadala sa pagtutuksuhan… one afternoon he asked kung pwede nya ko ihatid sa bahay.. at that time umalis na ko sa jalay namin sa tagaytay, nagboard na ko sa malapit sa skul..at yun nga.. sinabi nya sken na manliligaw daw sya, he’s actually asking for permssion.. at first akala ko pinagtritripan nya alng ako.. pero nakita mo namang seryusness sya, eh di sige.. pero it took him about a year para mapasagot ako.. shempre kelangan muna syang pahirapan noh.. 2nd year college kami that time.. managment ako.. com sci sya..dun sa one year na yun eh puro paglabas-labas lang, sine, kain sa labas, stroll sa mall.. pero mostly group date talaga.. bihira lang na kaming dalawa lang ang lumabs. konserbatibo akse ako nuon… (nun yun! nyahahaha) hanggang sa ayun nisagot ko na sya…ayun nga naging kame na… hindi ko na iwento ano mga sunod an pangyayari kase kulang ang espasyo… hindi kakayanin ng bandwidth kaya wag na lang…basta nagbunga ng tatlong makukulit na anghel ang 6 at mahigit na taong pagsasama.. sa kasamaang palad, ang pagsasamang yun ay natapos din agad.. ask me why? ill tell you some other time…

sa katanungan ni Julyanah Marie na :”ma, tan ti papa ko?” hindi ko magawang sagutin ng katotohanan dahil sa age nya eh malilito pa sya… maari ko bang sabihin na , “anak, ang iyong fatherhood ay unavailable at the moment” (para bang subscriber cannot be reached at please try again later o kaya, the number youve dialed is incorrect, please check the number and dial again..tut tut tut ang drama) or yung katotohanan talaga na “anak, hindi ko alam kung asan si Papa mo. marahil ay nasa ibang hausing sya.”

sa totoo lang din naman kase eh hindi ko alam kung asan ang magaling na ama ng mga inakay ko. isang gabi kase nung mgkasama pa kame eh nalasing sya at nagkamali yata ng bahay na inuwian. unfortunately naging at home sya dun sa nauwian nyang hausing by mistake at hindi na bumalik. but kidding aside, hindi ko rin naman sinisiraan ang BBW sa aking ga junakis. there was this one time na Jm was asking for her dad.. and all i said to her was that her dad’s busy working. hindi mgandang turuan ang mga bata na kamuhian ang ama nila dahil lamang sa sinaktan ako nito. kapag lumaki sila at malaman nila ang buong wento, bahala na sila kung ano ang magigng hatol nila sa ama nila. basta ako, wala akong sinabi o ipinakita na masama sa kanila about him. whatever pain and anger im feeling about him, i just keep it to myself, i dont share it with them, kahit pano, ayaw kong maging masama ang tingin nila sa kanya. dahil baliktarin man ang mundo, sa daytime lilitaw ang buwan at sa night time sisikat ang araw, sya pa rin ang fatherhood nila..


ayun… tama na….. too many memories… haysssssss…

*************************************************************************
peyds – blog page
jifney – jeep; with vroom vroom sound
nagkakandakumahog – nagmamadali
tutyalin – sosyalin; pasosyal
jafeyk – fake; peke
jalay – hausing, house, home, tahanan, bahay, balay
inakay – anak, children/child, kid/kids, junakis

**************************************************************************

Advertisements
This entry was posted in february, love story. Bookmark the permalink.