kwentong Oman at bertdeyan

syettttt! haymmmmmmmmmm bakkkkkkkkkk! i am literally back…. pagkatapos ng ilang araw na pananahimik, ako’y nagbabalik na para guluhin ulet kayong lahat. Bakit ba ako nawala? Saan ako nanggaling? Ano ang ginawa ko? Kagagaling ko lang sa super remote control area ng Khasab, Oman.. at nakabalik na nga ako. wala naman ako ginawa dun kundi tumunganga.. hindi ko nga nabasa ung mga librong dala ko. ang mga damit na bitbit ko good for 1 week pero hindi ko lahat nagamit dahil hindi rin naman ako nagtagal dun. Bakit hindi? Eh kase naman, company visit Visa yung Visa ko ngayon…oo.. tama ang basa mo..Company as in you know Company with the letter K sa unahan.. un bang pinupuntahan mo everyday para mag internet.. ung tipong chat-chat, plurk-plurk, blog-blog lang gagawin mo tapos pagdating ng katapusan eh magkakamal ka ng anda ng ganun-ganun lang…. ahihihihi joke lang… pero kidding aside… yahoooooooooooooooooooo as in yahoooong-yahoooooo dahil may work na nga ako ulet. at ngayon ang aking pers day.. persday na pers day pero tamad na tamad ako.. bakit? eh kase naman pagkatapos makipag gud molnengan ng amo ko saken kanina eh iniwan na ako at lumayas, hindi man lang ako binigyan ng gagawing trabaho.. pero ok lang.. siguro naman eh ngayon lang yan… ahihihihihi

Kwentong Oman:
once again eh nakita ko na naman si Mariang Impakta.. sya ang in-charge dun sa hotel na tinutuluyan ko. sa tatlong exit ko kase eh iisa ang aking destinasyon. si Mariang Impakta kung itatanong nyo kung bkit yan ang tawag ko, Maria kase ang nagan nya talaga…Impakta kase, uhmm kilala nyo ba si chaka doll or chucky? Yan si groovy chaka doll, magkamag-anak kase sila.. si Mariang Impakta ang long lost cousin nila… super close and relation dahil first cousin nila chucky si Mariang Impakta… at isa pa, Impaktita rin kase ang ugali nyang babaeng yan.. naawa ako dun sa mga taong ang tagal-tagal na dun mga nawawalan na ng pag-asa tapos kung tratuhin nya pa eh akala mo kung sino sya.. Marami talagang ganun ngayon, na ka-lahi mo pa mismo ang manlalagllag sayo, instead na tulungan ka.

May mag-jowa akong kasabay mag-exit… nung asa hotel na kame.. nagka LQ ung mag-jowa, hindi ko na sana papansinin dahil its none of my business… eh kaso mo lang, ako pala ang reason kung bakit jelling-jeliling ung girlaloo sa boylet nya.. toinkzzzz.. nakatulog kase ung girlaloo sa bus on the way namen sa Oman, ang boylet waz dalawin ng antokzh.. since ako ung katabi nya sa kabilang side nya ( kainis nga kasi dun ako nakaupo sa upuan sa gitna hmp..)may-i-make a conversation sya..ayun.. wentuhan kami about this and that.. eh kase naman.. ka-lugar ko naman kase sya sa tagaytay ..kaya shempre marami kaming napagusapan, hanggang sa nagising na girlaloo at nainggit sa masayang wentuhan namin ng boylet nya.. kasalanan ko bang masaya akong kausap???? kasalanan ko ba???? hindi diba? hindi!!!! anyway, high-way, my way…nakakatuwa sila mag-away..para akong nanunuod ng koreanobela na puro pagpapatweetums… they actually look good together.. kukuhanan ko sana sila ng photo kaya lang naisip ko invasion sa privacy nila un and besides, i didnt bring any camera with me. why should i? Am not on vacation! ahihihihi ewan ko kung nagkabati sila before umalis nung guy kase kasabay dumating nung VISA ko ung VISA nung boylet kaya naiwan dun sa Oman ung girlaloo.. si boylet naman eh di shempre, wentuhan ever na naman kame sa bus hanggang makarating ng dubeyland…

bukas, 5th birthday naman ng aking junakis na si JM… Julyanah Marie( ayun sya oh! over there sa gilids…sa may upper right.. with the slideshow and everything ahihihihi).. and yes, 5 years old na sya.. i just wished hindi na sya bulol.. nun kasing huli ko syang nakausap which is a week ago.. eto ang aming phone conversation:

JM: ma, atan na yung eyrfleyn ko? diba un ung gip mo ta-ken?
Ako: nak, mahirap ang eyrfleyn.. hindi ba pwedeng submarine na lang?
JM: abi ko ayo eyrfleyn eh.
Ako: Pramis, kapag nakahanap ako ng blue eyes, regaluhan kita ng eyrfleyn.
JM: ma, ano blue ayt?
Ako: mahabang paliwanagan anak kaya next time na lang.
JM: i-ge. nek taym ah. kelan ka uwi? mit na kita. mit ka ni kahlil ta-ka lian. mit ka namin dami-dami. tapot hanap ka t-cher ko duon it-kul.
Ako: (naiiyak na.. nagpapakabreyv! ahihihihi) matagl pa. kasi ipon pa ko para lagi ka may new toys. wag mo paiyakin kahlil ha.. alagaan mo lian.
JM: opo, ma, tan papa ko?
Ako: kumain ka na ba?
JM: opo. tan papa ko?
Ako: o, sige, good girl ka lang ha. love u.
JM: eeeeeeee tan nga papa ko?
Ako: babay na. wala na ko load. babay./ be good.
(tut tut tut)

****nawalan nga ba ng load? o sadyang pinutol para hindi na kailanganing sagutin ang tanong? hahaha.. para sa wento uko sa eyrfleyn na request ni Julyanah.. click mo toh.. at ayun nga.. buyoy pa rin ang inakay ko… hayssss.. ayun… nakakainis sana nasa Pinas ako to spend her birthday with her.. hu hu hu…..

Si julyanah ang panganay sa tatlong inakay ko, sumunod sa kanya ay si kahlil na turning 2 year old at si Lian na turning 1 year old.. (please lang…. spare me the questions about their age gap at kung bakit tatlo na agad ang junakis ko… wag na rin kayong magbalak magkomento na “hindi ka rin mahilig noh?!” gasgas na yan eh ahihihihi) nagmana yata saken si Julyanah ….iyakin… pero nuknukan ng kulit.. sa wari ko ba’y mulat na mulat sya nung nagsabog si Papa Jesus ng kakulitan sa sangkatauhan. maalagang kapatid, kahit an bugbog sarado sya sa bayolenteng kapatid nyang si Kahlil go pa rin si ate sa pagbabantay kay kahlikoy! wish ko sayo Julyanah na sana’y maging good girl ka. wag magpasaway kay Lola.. at kung lagi kang inaaway ni tita, yaan mo lang.. dahil maagang nagmemenopause yan kaya ganyan yan, intindihin mo na lang. saka alagaan mo lagi mga kapatid mo at wag mo sanang iisipin na ayaw ko kayo makasama. lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayo at para sa inyo itong ginagawa ko kaya andito ako malayo sa inyo. ayokong maranasan mo ulit ung hirap na buhay na dinanas natin dati. gusto kong bigyan ka ng mabuting buhay kaya kailangan tiyaga-tiyaga lang muna tayo, huwag kang bibitaw kay mama, ha anak? (hayssssss how i wish mabasa mo nga toh anak.. ayan naiiyak na talaga ako… huhuhuhu)

*********************************************************************************

at dahil sa may mangilan-ngilan na rin na nagpapahayag ng kanilang kalituhan sa aking bokabularyo, minarapat kong maglagay neto.. bahala na kayo jan hahaha

anda – pera; money; datung
jelling-jeliling – jealous; selos
waz – wala; ayaw
junakis – anak; kid; child/children


***********************************************************

Advertisements
This entry was posted in birthday, oman, VISA. Bookmark the permalink.