Halo-Halo na Naman..

as usual, scattered brain este scattered thoughts na naman ako ngayon kaya halo-halo na naman ang drama ng blog entry ko for today…

kahapon, bertdi ng nag-iisa kong kapatid..(ayun oh! yung nasa slideshow jan sa gilids…over der ============================>) kung originality ang pag-uusapan eh nag-iisa ko lang talaga syang kapatid, pero kung hindi about originality eh, mga sampu kami.. well, what can i say, chickboy si Father dear namen! maraming sidelines… so, yun nga, 15th birthday ng shufatid kong temaarts! 11 years ang pagitan namin ng kapatid kong yan. since birth nyan eh lagi na kame magkaaway. pero just before i left Pinas last year eh naging closeness din naman kami kahit pano… eh paanong hindi makikipagclose eh hindi pa man din lang ako nakakaalis ng bahay eh ang dami ng bilin na ipapabili ditetch sa dubey… at nung day na paalis ako ( hindi sya nakasama maghatid kase may klase, ayaw umabsent, matalino kase yan, unlike me..may angkin din naman akong talino.. sa kalokohan nga lang… pero minsan di ko rin alam kung kaya ayaw nyang umabsent dahil sa may mamimiss sya sa klase or mamimiss nya ang krassness nya) eh may inabot na papel na nakafold saken… akala ko ba eh isang farewell letter, sabi ko pa ang swiitttt naman… hindi ko muna binasa .. sa eyrfleyn ko na tiningnan, gusto ko mainis nung nakita ko…. dahil ang hawak-hawak ko pala ay isang mahabang listahan ng mga gusto nyang ipadala ko sa kanya (komfyuteryz pa sya!)… at time pressured pa! dapat before xmas mareceive na daw nya. Kumusta naman yun?! eh bukod sa ATM ang naging sahod ko eh nawalan pa ko workalooosh! nai-share ko lang naman




today naman eh bertdi naman ng aking ina… wala akong masyadong masabi about her….kase…kase….hindi naman kami closeness ni motherhood… kase…kase…. basta… sa ibang pagkakataon na yun at ayaw kong umiyak ngayon..basta hafi bertdi na lang kay motherhood ko.



hay naku! panahon na naman ng pag-eexit! at dahil sa wala ng silbi ang working VISA ko before, kailangan ko na naman mag exit… babalik na naman ako sa very depressing and very remote area ng Khasab, Oman.. hu hu hu sana hindi ako magtagal dun, ayaw kong maranasan ung mga naging karanasan ni Chico sa pag exit. mejo worried din aketch kase pang third exit ko ito…pano na lang kung ma-multiple ako??? buti sana kung multiple orgasm yun…enjoy talaga yun ( chureeeee nagbibiro lang naman poh..) eh pano kung multiple entry ang abutin ko??? pano na? pano na lang???? kelangan makabalik ako bago mag 30.. aawit pa ko.. baka masayang lang yung mahabang panahon na ipinag ensayo ko kasama ng music ministry ng SFC kung hindi ako makaka-awit this coming Friday.

Kung Hei Bat este Fat Choi pala to everyone
… sabi sa blog entry ni @biel :”To the people in China, those who has Chinese lineage, Chinese blood,Chinese Name” sabi ko naman, pano naman yung sa mga tulad kong nagfi-feeling tsekwa? anpeyr naman talaga diba? yes, feelingerang chingkit na ko…mula nung masilayan ko ang kakisigan ni Mr. Ryan Kim sa Dubai Trade Center… hindi ko na masyado naiisip ang mga blue eyes..
at dahil nga sa Chinese New Year, gusto ko ng tikoy… meron bang nakakaalam kung san ako makakabili ng tikoy dito sa dubey? can somebody please help me find one??? ahihihihi masarapa ng tikoy, pero kahit anong presentation ang gawin sa tikoy kapag niluto, ang fanget tingnan. do u agree or hinde??????

HYPERVENTILATION……..kung hindi mo alam yan….i-google mo…nitatamad ako maglagay ng link para malaman mo kung ano yan, kaya ikaw na lang!jowk lang, click mo toh kung gusto mong malaman kung ano yang hyper echos na yan.. eto oh… yan click mo yan…..click nung friday ng gabi, sa aming praktis ng choir-choiran… naghyperventilate ako.. sa tingin ko yun nga yung nangyari. dala mararahil ng pagod? puyat? excitement? (saan naman?!) so, basta yun nga.. for about a few seconds din eh bigla akong nag blck out, wari ba’y nasa ibang mundo ako at hindi alam kung ano ang mga nagaganap sa aking kapaligiran. sabi nila.. namumutla daw ako… hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari itetch.. maraming beses na yan, pero perstaym mangyari yan saken dito sa Dubey. tapos kahapon naman, sinumpong ako ng matinding migraine, kaya napilitan akong magpahinga ng mahaba-habang oras, mga 4 hours. (masakit man sa loob ko na mag offline, wala akong choice..wala akong nagawa kundi ang mag log out..)ayaw ko pa sana kase ung isang krasssss ko eh nag online.. makikichismizzzz at manlalandeeee muna sana ko eh di na talaga kaya ng powers ko.. what to do???

Kailangan ko ng color bughaw na shawl…san kaya ako makakabili? dapat yugn mura lang, hindi dapat lalagpas sa 10dirhams ang presyo, dahil kapag mas mahal dun, hindi na ako bibili.. kailangan ko sya sa friday. Si Ferdie kase ni Jen ang may kasalanan. meron pang naiisip na dagdag kulay sa dress code. ok na akse yugn white and black.. nagdagdag pa ng blue.. shawl talaga ang need ko.. ang labas pa nyan, mukhang semi formal na naman ang kahitsuraan ng damit ko. magmumukha na naman akong mayaman. tsk tsk tsk.. balak ko pa man din magtsinelas na alng ulet, tulad nung nakaraan umawit kami, nakapormal silang lahat ako nakaslippery when wet. hahaha

Natapos ko rin ang mahiwagang labada ko kahapon bago ako sumpungin ng napakagaling na migraine. tinatamad pa nga ako eh. kundi lang wala ng maisuot, hindi ako kikilos para maglaba. multi-tasking ako kahapon. Habang naglalaba, nagpplurk ako, nagblog hop, nagluto ng julams, naglinis ng warto.. mga pitong oras kong ginawa lahat ng yan. ipinagdasal ko nga na sana meron akong makuhang program na gagawa ng lahat ng yun para saken at matulog na lang ako. yun bang tipo na pagkagising mo eh ayos na lahat. wala ka ng iintindihin. imposible noh? hindi binebless na magkaron ng ganun para sa mga tamad na katulad ko.

May nagbanggit saken, hindi ko maalala kung sino.. nag snow daw sa Ras Al Kaimah nung Friday…..ang Ras Al Kaimah ay isang emirate ng U.A.E. eto ang katibayan na nagsnow nga nung friday sa RAK click here.. dyan kame nag christmas parteeeeeh nun, dyan nagmula ang Ko-reana ni Jentot. at dyan din nagsimula ang paghanga ko kay Totoy Bibo…gusto nyo makita hitsura nya? Pindot here… please lang walang magrereak ng hindi maganda… hahaha.. ah basta!

tama na nga toh..

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.