Ang munting EB…

Alas kwatro pa lamang ng hapon ay naghihintay na kami ni Jentot sa pinagkapipitagang poging(ilo)cano. Ngunit alas kwatro y medya pa lang ng hapon nang makatanggap ako ng tawag mula sa kanya, ipinapaalam samin na kasasakay nya pa lamang ng pampublikong “ban” (tagalog ba ng van? hindi ko alam eh hahaha) na byahe patungong langit este Sharjah ( ang lugar na kinatatayuan ng aming mga paa at kinatitirikan ng aming mga tahanan ni Jen) Ipinabatid nya sa aming alas singko y medya pa sya makkarating. kaya’t habang naghihintay sa kanya, nagpa-ikot-ikot kami sa megamall, nag fudtrip ng kaunti: mais, french fries at ice cream.

…missed call from JEN….( shempre hanggang pa miscol lang kami para sya ang tumawag dahil nagtitipid kami sa load. at isa pa..sya ang pupunta, sya ang maliligaw kung saka-sakali kaya tama lang na sya ang may load para tumawag hahaha)

…ring…ring….Ilocano calling..

Ilocano: Dito pa lang ako sa….(nakalimutan ko yung lugar na sinabi nya)
Ako: anong oras ka kaya makakarating?
Ilocano: Di ako sigurado eh. umuulan ba jan? umuulan dito sa abu dhabz eh.
Ako: wala naman ulan dito.
Ilocano: cgeh, tawag na lang ako pag malapit na ko.
Ako: ok. ingat.

-end-

alas sais na ng gabi nang biglang pumatak ang ambon mula sa malaking gripo ng kalangitan. “patay!” aking nasambit. ” san antin dadalhin ang ilocano, umuulan!” nababagabag na tanong ko kay kabalitaktakang Jen. sapagkat ang orihinal na plano ay dadalhin namin sya sa AL Qasba, kung saan may PERIS WIL (ferris wheel) (dito ko ipapasakay at ipapaikot-ikot si Jen hanggang sa mahilo at mawala ang takot nya sa matataas na lugar) at fishing-fishing este boating-boating pala (dito kung saan maaring mamingwit ang Ilocano ng Pato (pakistani) at Ititk (indyano) na pwede nyang i-teyk home) ahihihihi maganda din ditong mag petyur teyking. pero dahil nga sa umulan (mukhang may balat ang ilocano), erase-erase muna ang Al Qasba no choice kundi tumambay sa walang wentang Megamall.

…ring…ring…Ilocano calling…
Ilocano: asan kayo? andito na ko sa fudcort.
ako: dito sa malapit sa Hongkong (resto yan! ahihihi)
Ilocano: san dito? eh andito ko sa tapat ng HK
ako: ay! nakita na kita, harap ka sa kanan mo.
Ilocano: di ko kayo makita. san ba?
Ako: nakita na nga kita, lingon ka sa kanan. naka gray na jacket ka diba?
(apat na nga mata hindi pa kami makita. ikot alng sya ng ikot dun sa tapat ng HK nyahahaha)
-end-
7:30 pm na yan
***nagkita, nagpakilanlan, nagkwentuhan ng konti at nagdesisyong lumamon.
Dinala namin sya sa “My Home” isang Filipino Resto kung saan suki kami ni Jen, este ako lang pala. umorder nito:

garlic chicken, bico express, 3 plain rice, iced tea at peyn epol dyus

***nanginain…nagpektyur ng onti

***nagbayad ng nilafang………si Ilocano (shempre! hahaha)

***galante ang Ilocano, nagbigay ng tip. at natural na hindi ko sasabihin na 50fils(parang 50cents) ang ang iniwan nya hahaha juk juk lang pogi! hahaha

***nagpasyang bumalik sa Megamall

***nagpektyur ulet ng onti

***tawa.wento.pektyur.biruan.

hanggang sa 9:15pm na.

At dahil sa may importanteng mahalagang lakad kame ni Jen na hindi maaring ipagpaliban, nagkayayaan na. medyo ( as in medyo lang talaga dahil konti alng ang hiya namin sa katawan) nahiya kami sa kanya dahil ang layo ng binyahe nya papunta dito sa kalangitan este Sharjah pala para lamang puntahan kami tapos ay iiwanan lang namin sya. pero talagang hindi maaaring ipagpaliban eh. ang suma total, nagpunta lamang ang Ilocano sa Sharjah, nagbyahe ng humigit kumulang 3 oras para lang ilibre kame ng dinner sa Filipino Resto dito at maki-epal sa petyuran. at dalawa pa talaga ang camera namin, tag-isa pa kame ng dala ni Ilocano. dapat lang naman kase talagang may kodak moments.

Sa pagkikitang ito, may nalaman si Ilocano kay Jen, ito ay ang tungkol sa escalator. nawitness kasi ng Ilocano nang ipakilala ko si Jen kay escalator. heto nga at mukhang close na sila at feeling at home na rin ang dalawang langgam este dalawang blogger.


More petyur ng teykings

Napag-alam ko rin na si katotong James a.k.a. Poging(ilo)cano ay hindi mahilig magpakuha ng larawan, dahil kahit anong aya ko eh palagi syang on-the-go at laging naka-ismayl.kaya napagtanto kong hindi sya mahilig magpakuha ng litrato.

Nadiscover ko rin eto, ang gandang tingnan neto: ahhihihihi

bagay sila diba? ahihihihi (wag mo ko i-crucify ferdie-Jen! nyahahaha)

Kung ano man ang nadiscover mo saken, Ilocano, utang na loob! keep it to yourself! Hahahaha kung gusto mong muli pang tumabo sa takilya at masikatan pa ng araw ang bla-gag mo! nyahahahaha

pero, seryusli, nagpapasalamat ako sayo ng taos sa puso’t balun-balunan……
James, thank you for going out of your way to travel all the way from abu dhabi just to meet us. Even though you came from work, you still decide to sacrifice the time youre suppose to have for resting just to see us. (iba na talaga ang magaganda!hahaha feelingera! ahihihihi) were truly grateful.Thanks for the dinner…(kumusta naman ilong mo? bloody nose na ba? juk lang! ahihihi) sa uulitin…ahihihi sana makabalik ako agad para makabalik ka din dito at matuloy na ang pagpapa-ikot sayo sa Al qasba. im glad and releived to know na safe nakalanding yung sasakyang sinasakyan mo (hahaha) dyan sa abu dhabi.
Hanggang dito na lang muna…
sa susunod na kabanata ulit…(kung may susunod)

ahihihihi
*********ang ibang mga larawan ay sadyang hindi ipinakita ng may akda, sa kadahilanang may pagkamaselan ang mga naturang larawan,. hindi naaangkop sa edad ng mga taga basa at taga suri. **********

Advertisements
This entry was posted in Blogger, EB. Bookmark the permalink.