I love chinitos na!

Kailangan ko na ng isang blue eyes na mag-aahon sa akin sa putik na kisasadlakan ko sa ngayon (naks! parang linya sa pelikula nyahahaha) sabi ko na nga ba at nasa mundo ng pag-aartista ang ikauunlad ko. nitong nagdaang dalawang araw eh kabusyhan daw ako. may kaibigan akong nag-alok sa akin mag fart time… yes, fart taym talaga hahaha. madali lang naman, dalawang araw ka lang naman mag-iikot at magpipirma(lalo tuloy akong nagfeeling celebrity dahil sa kakapirma) sa buong trade center.. no sweat! ahihihihihi kaya go na go ako.. maeexpose pa ako sa mga minimithi kong mga blue eyes. PERO! may malaking pero yan, wari ko ba’y biglang nagbago ang isip ko sa mga blue eyes na yan..mamaya na yan.. dun muna tayo sa fart time……hindi naman mabigat ang trabaho, youll just have to roam around and get this and that of those companies na nag exhibit ng kanilalng mga nprodukto.. yung company na kumuha sakin for fart time which is Smart Dot caters to cctv… alam nyo ba yang cctv na yan??? closed circuit tv.. yan ung mga nigagamit sa mga surveillance echos…so yun na yun.. in fairness naman, marami din talaga akong nakitang ibang mga lahi.. nakasalamuha.. at talagang nakausap…sa dalawang araw na yun, umuwi nga akong duguan ang ilong. gamit na gamit ang english ko.. pambihira, nauubusan pa ako! may mga british, russian, italian, german, americans, chinese, taiwanese, koreans at kung ano-ano pa.. O my gas polgas! ang hirap! ung mga inipon kong english nun.. nagamit lahat.. na-empty yung memory card ng utak ko.. pambihira talaga!

ang nakakatuwa eh ang daming waffu… lumuluwa ang mga mata ko sa mga naggwapuhang mga kalalakihan… yung mga pagmumukha nung mga allaking pinapantasya ko sa mga kinalolokohan kong mga koreanovela nitong mga nagdaang linggo eh parang nakikita ko..panandalian kong nakalimutan ang pangarap kong makabingwit ng blue eyes, aba! kay gagandang lalaki ng mga nakikita kong mga singkit at hmmm mababango pa.. ahhihihihi ano kayang fabric conditioner ang gamit nila sa mga damit nila.. ang sarap amuyin. mga huggable chinitos pa ahihihihi. at meron pa ngang isa na personally binigay yung kanyang business card sa akin. baka daw maligaw ako sa Korea, tawagan ko daw sya.. ahihihihi wala lang…

may isang Pinoy na nakatengga dun sa exhibit booth ng Shanghai World detectors…

Pinoy: good morning ma’am! would you like to get one of our brochures?

Ako: oh ok.. thank you.. (all along alam ko talagang pinoy ang loko!)

Pinoy: as you can see, we manufacture cameras. we supply surveillance camera in several casinos in Las Vegas. we directly deal with our clients.

Ako: uhmmm ok . do you have office here in UAE?

Pinoy: no ma’am, our main office is in China, but we have factories in China and Taiwan as well.

Ako: oh ok.

(mobile rings)

Ako: hello! syet! sorry nakalimutan ko! sige, ill call you back maya pag-uwi ko, babushki!

Pinoy: Youre a filipina?

Ako: yeah, isnt it obvious?

Pinoy: Pilipina ka pala, akala ko ibang lahi ka.. hindi ka kasi mukhang pilipina.

Ako: ganun?! nways, nice talkin with you..gotta go..

Pinoy: salamat sa time. pwede makuha number mo? malay mo! for future business dealings.

Ako: hah? wala kasi akong personal mobile eh sa company toh, im not allowed to give out mu number.

Pinoy: ah ganun ba? cgeh, ahmmm eto card ko. give me a call ha..

-end-

toinks… hahaha wala lang.. akala nya hindi ako Pinay.. akshuli, meron din mangilan-ngilang ibang lahi na napagkamalan akong hindi Pilipina.. kaya tuloy feeling ko eh forenjer na forenjer ako. wala lang.. nai-share ko lang naman. hindi allowed talaga kumuha ng photos during the exhibit kasi iniisip nila na magtake ng photos gagamitin para kopyahin unbg products tapos gawa sila ng gaya nun at ibenta at a lower price… specially sa mga asians, ayaw talaga nila. pero dahil sa matigas ang ulo ko at numero uno akong pasaway..may mga nakuha akong pictures shempre from my own camera. hirap alng magfocus kasi madaliang piktyuran ang nangyari. at dahil sa bawal nga, hindi ako pwede papiktyur kasama ng mga nasa exhibits.. and that includes mr ryan kim na waffu.. ahihihihi

*****at dahil tinotopak ung net ko… bukas na lang yung photos.. hmp….kaasar….

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.