Ang sikreto ni Yanah…Huwag ipagkalat or you DIE!!!!!!!

Humupa na ang kulog at kidlat dito sa UAE, pero wari’y nagbabadya ang unos… nagbabadyang pasyalan at daanan ako ng unos…….ng sarili kong unos. kahapon, nagpunta ako sa simbahan kasama si Jen at ang iba pang kasali sa Music Ministry upang muli ay mag ensayo para sa nalalapit na aming pagkanta sa misa. Masarap at masaya ang pakiramdam ko kapag ako ay kumakanta. panandalian kong nalilimutan ang mga sakit at paghihirap na aking nararamdaman, panandalian kong nakakaligtaan ang aking mga suliranin at alalahanin sa buhay. Masarap ang pakiramdam kapag umawit ka para sa Panginoon. Matagal ko ring kinaligtaan ito.. itinago sa kailaliman ng puso ko kahit na ito yung pinakagusto kong gawin sa buong buhay ko. i stopped singing 8 years ago.. ngayon lamang ulit bumalik ung passion ko for that, kung bakit… sa ibang kwento na lang yun…nalilihis na ko sa gusto kong tumbukin.

inabot ng mahigit kumulang 4 na oras ang praktis namin kahapon. nagkakaron ako ng problema dahil dati akong nasa Soprano 1, nang bigla akong malipat sa Alto.. yun ay dahil sa pagmamaganda ko na di naman talaga kagandahan. kulang kami ng tao para sa Alto kaya mega volounteer ako na lumipat, kaya ngayon hirap na hirap ako mag adjust, pero i take it as a challenge. bahala na! bahala na si tinky winky ng teletubbies. matapos ang praktis, nagtungo kami sa isang filipino resto ni Jen upang lumamon ng kaunti bago umatend ng misa. nagkakwentuhan ng kaunti. medyo hindi maganda ang pakiramdam ko, tulad ng dati, i have to put on this smiling mask that i have, ayokong mahalata ni Jen na may dinaramdam na naman ako, ayokong magtanong sya, ayokong pag-usapan. kaya shempre, mega tawa na naman ako para hindi sya mag-isip ng kakaiba, all the while, kasalukuyang binabagyo ang kalooban ko ng iba’t-ibang emosyon na hindi ko maintindihan. matapos ang misa, sumama ako sa aking ka room mate at ibang mga kaibigan sa bahay ng isa pang kaibigan. we had dinner, (shempre tikim na lang ako dahil lumafang na kami earlier eh diet nga ako diba?) had a few drinks then headed for home at around 10:30 in the evening. akala ko makakatulog na ako. finally! sabi ko sa sarili ko. sa totoo lang, pang apat na araw ko na toh na hindi natutulog, parang mga 3 hours lang ang tulog ko sa buong 4 na araw na yan. hindi talaga ako makatulog kahit anong pagod ko. i even started taking valiums to calm my nerves and i thought that would amke me sleep, pero hindi pa rin. you might be wondering why im taking valiums. i’ll let you in sa secret ko… wag nyo ipagkakalat ha…(geez! i think i should remove my photos here. hahaha, well, my life’s an open book, crticize all you want, i dont give a damn…) ive seeked psychiatric help before. not because im a crazy person ( well, literally, yes i am. kung nakakasama mo ako, you would say yes, because i really have this crazy side of me,. para akong laging nakasinghot ng laughing gas ahihihihhi) i was told by a psychiatrist that im sort of manic depressive.. (kung ano yan, i-google nyo na lang at tinatamad akong magpaliwanag) and i have this depression kasi na nag-ugat sa napakaraming issues sa buhay ko mula pagkabata. kaya prinescriban ako ng anti-depressants. when i got here sa dubai, i took those for about a week just for me to get settled here and makapag rest. after that i decided to stop taking it kasi sabi ko baka maadik ako. tama na yung nakakaadik na amoy ng mga amoy sibuyas na panis dito. hindi na kailangan dagdagan. ahihihihihi kaya hayun nga at itinigil ko toh. pero ngayon, i started taking them again. kailangan ko ng pampakalma. masyado an ko nagpapanic lalo na yung utak ko. nahihirapan na rin magcope ung puso ko sa lahat ng nararamdaman ko. tulad ng mga hinaing ko dati na kung bakit kasi iisa lang ang puso tapos ang dami-dami nating nararamdaman na emosyon. bakit hindi ba pwedeng isang puso kada isang emosyon?? (hmmmm cguro pag nagkataon, puno ng puso ung buong katawan ko) ang sakin lang kasi parang wala ng paglagyan yung mga nararamdaman ko sa puson ko este puso ko. ang hirap balansehin. ang hirap ding itago. akala ko na-master ko na yung pagtatago ng mga nararamdaman sa likod ng mga kwentong walang wenta at mga hindi mapigilang pagtawa, hindi pa pala. i even took Pretension 101 in some prestigious school.. shucks! hindi effective.. sayang yung binayad ko.. mahal pa naman ung tuition fee dun. pero, sana hindi maisip ng mga tao na ADIK ako… dhil hindi. well in some ways oo.. ADIK ako sa chat..sa internet..sa tawa..sa wento..pero hindi ako addicted sa valiums ko. i just needed to take them to calm my nerves, kasi pakiramdam ko malapit na ko magbreak down. which is just what i dont need right now specially with my current situation here.

kagabi ko pa dapat isusulat to, pero para kasing naiinis ako kaya nagbasa na lang ako ng libro kagabi. may nabasa ako kagabi na sinabi nya na naiinggit daw sya skin dahil marami akong oras para magblog. para tuloy ang tingin ko sa sarili ko eh napaka useless ko. (pero kahit naman nuong mga panahon na nagttrabaho ako, halos araw-araw pa rin akong nagbblog) sino naman kasi ang gustong maging idle sa isang foreign land wherein ure suppose to to work? ive chatted with a fellow blogger last night and he told me na : “kung hindi ka na masaya dyan eh di umalis ka na at umuwi ka na. about your obligations, gawan mo ng ibang paraan na makapagprovide sa kanila in a situation na kuntento at masaya ka.” napaisip ako dito. sa totoo lang, medyo masaya ako dito pero medyo lang. when i went here, mas naging closer ako kay Papa Jesus, kasi dito, wala kang ibang panghahawakan kundi yung pananampalataya mo sa kanya. dito ko na enjoy yung full service sa kanya sa pamamagitan ng church community ko which is SFC. Pero kasi hindi sapat yun para sa akin. alam mo yung pakiramdam na emptiness ba.. you seemed whole, for other people, they think of you as a whole person, as a strong person because of the image im trying to project when deep inside, youre hurting badly..when deep inside, punit-punit na yung pagkatao mo dahil sa mga hinagpis na nararamdaman mo.gusto kong may makausap na ayaw ko tungkol sa mga nararamdaman ko. ang gulo! ang hirap! nakakasakal! nakakapanlumo! pero wala akong magawa. ganun pa rin yun eh. wala akong magawa.

These are just my thoughts and feelings. my sentiments.
Itong blog na ito ang outlet ko.
Itong blog na ito ang totoong ako.
kung kakilala mo ko personally at nakakasama mo ako pero hindi mo nababasa itong blog na ito, dont assume na kilala mo ako, dahil i would say na you dont know me that much, ni katiting sa totong pagkato at personalidad ko, hindi mo kilala. right now, sa mga naging kaibigan ko at constant na kasama ko, isang tao lang ang nakakabasa nito.. alam mo na yun kung sino ka… isang malaki at madaming SALAMAT sayo! pakiramdam ko pa nga, mas kilala pa ng mga online friends ko si YANAH yung totoong ako.. kesa sa mga real life friends ko. sabi nga ng mga tao dito… “what to do yani?”

tama na nga toh. masakit ng ung utak ko. (yes, literal na sumasakit ung utak ko hahaha)
till here and till next time ( parang may ka-penpal ang hirit nyahahaha)


Hanggang dito na lamang ang aking entrada para sa araw na ito. hanggang sa muli mga katoto.. ahihihihi





Lubos na gumagalang,
Petra

Advertisements
This entry was posted in laugh, mixed emotions, sad day. Bookmark the permalink.