Beach meets slipper

Kadarating ko lang dito sa bahay ngayon, mga 12:30 na nga madaling araw. galing ako sa may al fayha, kasama ko ang room mate kong si ate liezel at ang friendship kong si Jentot, nagpraktis kasi kami ng songs para sa misa sa a-treinta ng Enero itong taon na to(natural! alangan naman enero 2010 diba? OA naman na kung ngayon pa lang eh nag eensayo na kami, weh ano ba! excited kung excited! ahihihihi) medyo malapit lang yung Al Fayha d2 sa bahay namin, pwede mo ngang lakarin eh, kaya lang, dahil sa madaling araw na delikado ng maglakad ( Si Jen lang naman kase eh! kinailangan namin sumakay ng taxi kasi kasabay namin sya, medyo magkalapit lang din kasi ang aming mga kabuildingan ahihihihi. joke lang sis..) at isa pa kaya hindi pwedeng maglakad eh mejo malalakas ang ipinapamalas ni kaibigang Kulog na sinisegundahan pa ng talim ni kumareng Kidlat kaya nagmamadali na rin kaming umuwi, umaabon na rin kasi…mukha talagang nagbabadya si Ninong Ulan sa pagbuhos.. Yun namang pagpaparamdam ni Ninong Ulan sa pamamagitan ng pag-ambon eh kaming tatlo nila Jen at Jhandz ang may kasalanan. Hindi pa kase kami nakuntento sa pag-awit sa loob ng bahay ni Renee ng mga awit para kay Papa Jesus, habang naglalakad palabas ng Al Fayha eh bumibirit pa kami ng kanta nbi Jennifer Love Hewitt, mukhang nainspire sila dun sa entry ko about the movie “IF ONLY” kaya ayun medyo konsyerto kami kanina sa daan, nang maramdaman na lang namin ang mahihinhing (waring nahihiya pa syang magparamdam samin, at parang lumalabas na kami pala ang dapat mahiya sa kanya sa pagbirit-birit namin sa daan)pagpatak ng ambon sa aming mga katawan. ahihihihi tangalog talaga awwwts! so, yun nga, to make the long story and none sense story short, nakasakay naman kami at nakauwi ng matiwasay bago bumagsak si Ninong Ulan.

at dahil sa ni-tag ako ni Mulong na alam ko din naman na ito ay kagagawan ni LordCM na nagmistulang LordMC (hammer ahihihihi) sa bahay ni Kosa..naksssss ang daming commercial.. ahihihihihi.. ayun nga, na-tag kasi ako kaya eto na ginagawa ko na agad.. yaman din almang at ako’y may karanasan din sa lelas na naiwan…recent lang ito.. mga last year! hahaha… december 19, 2008 to be exact.. nagdiwang ng kaarawan ang karoom mate ko na si ate zhel, nagluto kami at nagcelebrate sa Corniche… tabing dagat dito sa Sharjah..inabot kami dun ng mga 11:00pm ng gabi, mula 4pm yata yun, may kaunting inuman (syempre patago at bawal dito yun.. ) hindi naman ako nalasing kasi konti lang ininom ko dahil nangangamba akong hindi ko kaya, matagal na akse akong hindi umiinom. nang makaalis pauwi si Jen, naramdaman kong medyo tinatamaan na ko. eh bigla akong nakaramdam ng pag wee-wee.. kaya may i go out muna ako dun sa medyo malayo para mag wee wee.. napuno ng buhangin yung palibot ng lelas kong suot kaya naisipan kong hugaasan yung paa ko kasama na lelas ko sa dagat.. kaya off i went to the sea.. (sea talaga hahaha) nakarating naman ako at nahugasan yung mga lelas ko, pero nung paalis na ko, biglang humangin ng malakas at medyo nag sway ako, which caused the slipper on my left foot na malaglag sa paa ko.. hu hu hu tinangay ng alon yung lelas ako.. ang tagal kong nakatayo dun, inaabangan ko kasing bumalik ung alon dala ung lelas ko, pero nag-iisip na ko ng “may taxi naman, saka gabi, ok alng kahit umuwi ako ng isa lang lelas.” ng makita ko na medyo malapit na sya sakin, hinabol ko.. hu hu hu, napaupo ako dun sa seashore so, natural, nabasa yung pantalon na suot ko.. at hu hu hu ulit.. basang-basa talaga, kasama pati panty. pero ang good news dun, nakuha ko yung lelas ko.. yun nga lang basa ako.. pagbalik ko, sabi nila bakit ang tagal mo? sagot ko naman, naglakad-lakad lang ako dun sa may dagat.. without them knowing kung ano nangyari sakin. syempre hindi ko sinabi.. hindi naman nila nahalata na basa yung pantalon kasi gabi na at isa pa, natatakpan ng jacket ko. ayun, yun lang un… muntik na kong umuwi na isa lang ang lelas na suot.. mula nun hindi na ako bumalik ulit sa dagat… at ewan ko kung babalik pa ako.. cguro oo, pero ill make sure na hindi ako mawawalan ng lelas.. magboo-boots na ako sa beach! yipeeeeeee ahihihihihihhi..

so, natapos din ang tag na itech! hmmmm ipapasa ko ba ito? hmmmmmmm kanino kaya? sige, teka, let me see…at dahil sa mabait ako, ipapamahagi ko ang pagkakataon na makapagshare ng wento ukol sa mga naiwang lelas kina:

1. Jen

sana lang, hindi pa nila nagagawa toh.. hindi pa kasi ako nakapamasyal sa mga bahay nila dahil busy ako sa aking singing career. nyahahahaha
Advertisements
This entry was posted in singing, tag. Bookmark the permalink.