TUMALNA KA MAN DITA!

I wasnt suppose to blog tonight, i dont know why i just cant keep my fingers from typing. its like my fingers have their own minds, its like they have their own ideas that they wanna spill and share to everyone else. i actually wasnt in the mood to respond to those comments left by fellow bloggers in my recent post but there’s just this one comment that caught my attention, i would like to think and belive that i could make something out of it.. so here goes the entry inspired by the comment left by Zweihander , and he said, :
“Ate, ang mga fairy tale naman, hindi maganda ang simula ‘di ba? Kasi kailangan maging “happily ever after” ang ending kaya ganoon.”

its 12:30 in the morning here, January 14, 2009, Wednesday (why the time check? wala lang, just to make sure im still in the same planet and same generation as everyone else, Oh my gosh! im really losing it! what the hell am i sayin?) currently listening to Think of Alliyah by Boyz II Men.

Ang sabi ni Zwe….Zwei…anube kase! ang hirap naman… wala bang mas madaling pangalan? ang sabi ni Z may sort of pattern para maging happily ever after ang ending ng isang story, na kaya sa simula eh puro kamalasan, puro bad things ang nagyayari eh dahil sa its all part of the wonderful pattern of fairy tales…(wrong gramming na yata ako) sa tingin ko naman eh hindi sa lahat ng pagkakataon may happy ending.. at lalong hindi sa lahat ng pagkakataon na pwede mong i-associate ang buhay ng tao sa fairy tales.. REALITY CHECK: its such a cruel world out here..life is so unfair… there are times na we chose to live in this kind of fairy tales para mapagtakpan ung malaking kahungkagan na nararamdaman natin sa buhay natin. hinahayaan natin mabulag ng pinaniniwalaan natin na di bale na pagkatapos naman nito happy ending pa rin. hindi naman sa lahat ng pagkakataon eh ganun.

napaisip tuloy ako, ang fairy tale kaya ng Pilipinas eh may happy ending. nakapanood ako ng hinayupak na TV Patrol na yan kanina (at bakit parang galit ako? eh pano ba naman hindi maganda ang balita, madidismaya ka lang) ilan sa mga hindi ko nagustuhang balita ay ang naka-ambang pagtaas ng bayad sa katubigan. pambihira ultimo tubig magtataas na. anube! buti na lang malamig din ngayon sa pinas at pwede ng hindi masyado maligo. isa pa ang kakulangan sa LPG..pati na ang pagtaas na naman nito.. magtataas daw ng 2php per kilo, so lalabas na nasa 47-480php ang isang tangke ng LPG at tataas pa rin daw ito next month. lahat tumataas, anu ba yan! wala nang bumababa. height na lang ni Mahal at Mura isama na si Dhagul ang hindi tumataas. tsk tsk tsk sa mga ganitong pangyayari at kalagayan ng ating bansa, may happy ending kayang mahihintay ang mga pilipino?

ang hirap ng trabaho! naiinis ako dahil ultimo si Eva Fonda eh halos kabisado ko na ang mga linya nila. ilang korean/taiwanese movies na ba ang natapos ko? ultimo japanese drama series pinatulan ko. kahit magkandaduling na ko sa kakabasa ng mga subtitles, go lang ng go..hay naku……last night or was it this morning na, kausap ko yung friendship kong isa sa dito lang sa tabi-tabi.. kapit bahay lang ng UAE ung kinaroroonan nya. tinanong nya ko kung anong plano ko? sinagot ko ng blahblahblah this and that.. pero sa totoo lang, hindi ko pa rin talaga alam. hindi ko alam kung ano magiging plano ko. wala naman kasi akong balat sa pwet, tingnan nyo pa.. i just dont understand why hanggang dito sa disyerto eh sinusundan ako ng kamalasan. buong buhay ko puro kamalasan. i think the best thing that has ever happened to me eh ung niluwal ko sa mundong ito ang mga inakay ko. yun lang.. everything in my life…ewan ko.. hindi ko maipaliwanag. im starting to give up na… ang hirap kaya..ang yabang-yabang ko sa iba.. ang galing ko magsalita, mag advise pero sa totoo lang isa ako sa mga taong mgaling mag adevise pero hindi kayang i-apply sa sarili nya yun. halo-halong emosyon at nararamdaman ko, halo-halong isipin din ang bumabagabag sa aking kaisipan, parang hindi ko na kaya. sasabog na ung utak ko. i really feel so bad right now. i think im fuc.king lost (sorry poh…) i dont know which way to go..gustung-gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. hindi ko alam kung pinipigilan ko ung sarili ko na iiyak lahat ng nararamdaman ko, pakiramdam ko parang nakaremote control ung luha ko.. sino ba kase ang lecheng may hawak ng remote control??? could u please turn it on now? i badly needed to let this all out, pero paki tone down lang ha, baka kasi mapalakas, makabulahaw sa kapitflat namin ditong mga Pana.

Naisip ko, kapag namatay ako, may pampalibing na saken.. may makukuha na rin mga inakay ko..isa pa, may educational plan na sila from elementary to college.. pinag-ipunan ko talaga yun. well, except ung youngest ko, wala pa akong nauumpisahan sa kanya. so, kung mawala man ako, hindi sila gaanong mahihirapan financially paglaki nila.. matuwa rin cguro si motherhood ko dahil hindi ko sila iniwan ng walang-wala.. ms may pakinabang pa kase ako sa kanila kung wala na kesa andito pa.

sa lahat ng mga pangyayaring to, may happy ending pa kayang mangyayari? san naman at kelan naman kaya lilitaw yung pagiging “happily ever after” ng fairy tale ng buhay ko… which makes me really think din talaga na walang talagang happily ever after in real life.. well, not in this curel world that ive lived 25 years of my life. My story’s not of a fairy tale, just a tale with no fairy thingy at all.. it has been and will always be like this…….

Advertisements
This entry was posted in fairy tale, happy ending, life. Bookmark the permalink.