ATM and a pocketfull of LESS

Sa tingin ko hindi talaga maganda ang pasok ng 2009 sa akin. kahit anong pagmamaganda ang gawin ko, eh hindi na yata talaga siya gaganda. naumpisahan ang enero ko ng kakaiba kaya’t malamang eh buong taon na ganito aketch. sa mga ganitong pagkakataon eh hindi ko mapigilan ang sarili ko na wag matakot. yup yup.. tama ang nabasa nyo…. natatakot ako… natatakot na talaga ako sa sitwasyon ko dito. dinadaan ko na lang sa tawa-tawa.. pero malapit na rin akong mabagtit (mabaliw) dito. mahirap tanggapin na sa dinami-dami ng isinakripisyo mo para maging maayos ang buhay mo eh makikita mo lang na parang wala rin naman nangyayari, na parang wala rn pagbabago. napaisip tuloy ako at biglang nagtanong, “ito ba ang gustong life ni Papa Jesus sa akin?” “ayaw nya ba akong maging maginhawa sa buhay?” “gusto Nya ba talagang nahihirapan ako?” sa akin, ayos lang din naman ang mahirapan, ayoko lang ng may iba pang nahihirapan kasi mas lalo akong nawiwindang. Magkagayunman, iniisip ko pa rin na kahit papano, swerte pa rin ako. buhay ako. malusog. (medyo nasobrahan na nga eh.. hindi na mukhang naghihirap sa buhay.) gumigising kada pagsapit ng umaga. (minsan hindi kasi hindi rin ako natutulog) basta yun, i try to take things lightly, to accept things as they are despite the hirap and everything. im really trying my very best to be optimistic about everything that’s been happening to me. thinking na, tomorrow’s another day.. na baka tomorrow, it will be my lucky day and everything will happen according to how i wanted things to be. na everything will work out right, na may magic na mangyayari.

“bakla, naniniwala ka ba sa soulmate?” naitanong ko yan kay Jen nuong isang gabi na kami’y nagpapalaboy-laboy sa megamall dito sa Sharjah.. (yes! may megamall dito… hindi nga alng sya mega as in mega.. ewan ko nga ba kung bakit tinawag nilang Megamall eh kasing liit lang sya ng Waltermart dyan satin sa Pinas) Nagulat sya sa paghirit ko ng ganun. (ayan kase! napapala ng kakapanuod ng mga kung ano-anong lovestories)

****wala naman yan kinalaman sa gusto kong sabihin ngayon, wala alng, gsto ko lang i-share ang mga isipin ko.****

eksakto ngayong araw na ito ay ang ika 3 buwan at 23 araw na hindi ako sumahod sa aking butihing kompanya na Faisal Sheik Trading. ang ATM ko dati na After Two Months ay magkakaron ng panibagong abbreviation na at meaning.. AOM..After One Miracle. ibig sabihin, after one miracle, thats the time ill be able to get my money. mukhang hindi ko na makukuha kung ano man ang dapat kong makuha. dahil.. nagsara na ang aming kompanya. leche kasing global crisis yan! nyeta talaga! (sorry for the words) at mukhang shattered dreams na ako. nakakaturete ang mga pangyayaring ganito. ang sakit sa bangs. ang hirap makacope up sa ganitong sitwasyon sa ganitong pagkakataon, lalo’t halos dalawang linggo ko nang hindi nakikita ang aking krasssss. kaya ngayon ay literal akong jobLESS…

ang sakit isipin na ang aking 2009 ay mapupuno ng kung ano-ano pang LESS-LESS dyan. gusto mo bang isa-isahin ko? ayun nga, una na yung jobLESS, napakahirap pa naman talaga maghanap ng trabaho ngayon dito sa Dubey, Dubey. kaya nga nagpapapayat ako ng todo-todo para lipad na lang ako paputang este papuntang Jepen para mabawasan ang aking paghihrap, hindi nga ba’t sinasabi nilang Jepen, Jepen sagot sa kahirepen..ahihihihihi plano kong magputa wehhhhh magpunta pala dun para magpalapad este kumita ng lapad.

ang hirap din na JowaLESS ka.. lalo na winteroo dito ngayon sa dubey, ang hirap ng malamig ang iyong mga gabi. nagdaan ang pasko at bagong taon na talaga naman napakalamig. mga bandang nobyembre pa alng nuong nagdaang taon eh naghahanap na ako.. sabi ko nga eh kahit a wek before christmas hang a week after new year lang, makalipas lang ang holidays.. contractual ba. pwede naman yun diba? wala ba naman pumatos, nak ng teteng..gusto ba naman nila eh full time.. all year round…mahirap yun, pano na ang aking karir? este career pala. meron naman umaaligid, chaka naman! paubos na ang buhok! di naman sya ka-lolo-han kaso, chaka pa rin. elementary pa lang ako eh kilala ko na sya, mantakin mong magtagpo pa kami dito. ano ba itech, destiny? syetttttt na malagkettttttt NO! NO! NO! hindi ako makakapayag. haysssss so kapag jowaLESS ka, natural na dateLESS ka, at kapag dateLESS ka, eatLESS ka rin sa labas in order for you to payLESS. Natural lang yun dahil wala kang banker. it all comes down to being loveLESS. yun lang naman ang pinupunto ko dito. (pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako naghahanap, ok na ko sa single blessedness status ko.. nageemote lang ako ahiihihihi)

at kapag nagtagal pa ang sitwasyon kong ganito ay malamang na ma-homeLESS na rin ako. hindi na kakayanin ng powers ko ang makipagtalakan sa landlord ko na juding (pero ang sabi nya sa lahat eh HE-MAN daw sya at marami daw syang gerlats over here and over there na nagkakandarapa daw sa paghahabol sa kanya. eh diosmio, ang lakas ng loob naman talaga… naman hindi lang sariling bangko ang binuhat nya kungdi pati na rin kama nya eh sinuong nya sa pagmamayabang nya, the fez naman.. hayssssss waffu pa kung tutuusin ung si mamang magtataho sa burham park sa baguio na naglalako tuwing alas nueve ng gabi.. less the freckles. hehehe)

isa pa ang matinding panghihina na ng loob ang nararamdaman ko dahil sa tingin ko eh powerLESS na talaga ako over the things that’s happening around me. its like i cant take this anymore. its like im about to lose it. minsan nga dahil sa sobrang pag-iisip ko, as in sobrang sleepLESS na ako, i end up like one of those freakin retards/bastards/leotards (ayy! hindi pala kasali yun) whos brainLESS and do something stupid… well.. hindi pa naman… i think..ahihihihi

hmmmm what im trying to say is, its not really working out for me here. maybe dubai’s not for me and maybe ill be able to figure out what i should do, where i should go..soon.. for i dont have much time.. the clock is ticking.. my obligacciones waiting… and im partly losing in this game of survival…Reality truly bites.. its bitten my will to survive already.. am losin…

i’ll be asking a favor from you guys..na sana malagpasan ko to habang may natitira pa akong katinuan. for those who know me, please help me… please help me pray to Him na sana pakinggan nya rin ako this time.. ive always prayed for other people, pinapakinggan naman nya, sana this time pakinggan Nya rin ung dalangin ng puso ko…

yun lang..
Advertisements
This entry was posted in life, reality. Bookmark the permalink.