Bad news

ikaapat na araw ng 2009 ngayon….

akala ko magiging maganda ang pasok ng bagong taon sa akin ngayon. tumalon ako(sa tingin ko nga nadagdagan ako ng 3 inches ngaun eh. naka 3-inch heel shoes kase ako nyahahaha)…nagpakalog ng coins sa bulsa(baka ibig sabihin puro barya lang ang magiging pera ko?!) at naglagay na rin ng perang papel sa bulsa(10 dirhmas nga lang, baka mamaya nyan eh isang buong taon na 10 dirhams lang ang pera ko, nagsuot ng green (lucky color of the year daw yun), ung panty na suot ko nung mag-alas dose polka dots (naniwala ka naman?!), nakangiti rin akong sumalubong sa bagong taon at shempre nagpasalamat din ako kay Papa Jesus for giving me another year to live. so, more or less sa mga pinaggagagawa kong yun, ini-expect ko na magiging maganda ang 2009 para sa akin. pero kung bakit puro negative and nasa kapaligiran ko? for the past three days of this new year, puro bad news ang dumarating and its like more to come of those bad news. ang nag-iisang good news lang yata na nangyari eh holiday for three days. (namatay ung ruler ng isa sa emirate dito sa UAE which is Umm Al Quain kaya holiday for three days. hindi ko sinabing goodnews yung pagkamatay nya, ung holiday ang good news.. and yes, major explanation talaga ako.) yun lang ung alam ko na good news and the rest were all bad news….

1. kung nuon ang drama ng kompanya ko eh ATM ang sahod which is After Two/Three Months na sahod… kumustahin naman yon! ngayon, ATM pa rin naman… After Ten Months! and i mean Oh my gas polgas! maloloka na ko sa ganitong sitwasyon!

2. yung sister company ng kompanya ko…..whew! i just found out na nagsara na…bankrupt na talaga as in! 52 katao ang nawalan ng trabaho dito.

3. 3 of my highschool friends who worked as gingineers este engineers in some contruction firms here in dubai were given a termination paper just today, they will be goin home empty handed.. why emptyhanded? wala pa silang ipon dahil kadarating pa lang nila dito.. newly employed pa lang sila.. about 3 1/2 months pa lang and hindi pa nila nababayaran mga kautangan nila sa pinas na ginamit para makapunta dito.

4. ung kompanya ko, nag lay off ng employees dun sa isang branch namin.

5. 5 sa friends ko ang uuwi ng Pinas dahil pawang mga naterminate din sa trabaho.

6. ung isang room mate ko, kamakailan lamang ay umuwi ng PInas after working here for almost 3 years, she just had to go home, kasi ung major client na hawak ng construction firm nila eh nagpull out ng accounts sa kanila.. so, nothing left for her to do here.


hindi na maganda ang nangyayari sa ekonomiya ng Dubai.. hindi na sya stable. kahit anong pagsasabi nila na okay pa ang Dubai… hindi na tlaga… ilang libong tao na ang nawalan ng trabaho at napauwi sa kanilang mga bansa in the past 4-5 weeks??? hanggang kailan magiging ganito ang sitwasyon dito? hindi ko alam.. sino ang nakakaalam? this is very alarming. pero we cant do anything about it. we cant use magic to fix it. we cant just put a scotch tape para maiyos ang mga kaguluhan. then there’s still the killing sa Gaza….too many lives lost..too many people na nasasaktan sa lahat ng nangyayari. for how long will this go on? only God knows.

hindi ko rin alam kung ano ang kahihinatnan ng pagstay ko dito sa Dubai.
hindi ko rin alam kung hanggang saan at hanggang kailan ko pa makakaya.
lalo na when you know that there’s just so little that you can do to remedy it.

all i can do right now is just to pray… pray for the fighting to end..pray for the global crisis na matapos na rin at masolusyunan, pray for my family and friends at pray for all those people na nakakaranas din ng bagsik at hasik na epekto ng global crisis.. nag-uumpisa pa lang….marami pang darating…

sa ngayon, tuloy pa rin yung plano ko na magdiet… hmmmm kamtotinkopit…isa syang mgandang balita para sa akin, dahil sa hanggang ngayon wala pa rin akong sahod, shempre mega tipid ako, isang malaking kabawasan yun sa budget ko.. ang pagkain… timing din naman pala ang pagddiet ko! no more pasta night for me.. for now…. nyahahahahaha


yun lang…

Advertisements
This entry was posted in bad news, global crisis. Bookmark the permalink.