Mahal Ka Nga Ba Nya ni LordCM

“mahal ka nga ba nya?” akala mo isang simpleng tanong lang yan na may simpleng kasagutan. pero ang hindi mo alam, once na maitanong yan, maraming bagay ang nagsisimulang lumitaw, maraming mga bagay na mauungkat, mapag-iisipan, mapagtatanto at mapag-aawayan na rin. sa tingin mo ba kung ikaw ang tatanungin nyan, mayron ka bang nkahandang totoong sagot na nararapat para dyan? wala diba?…alam kong wala.. kasi ganun din ako.

nabasa ko tong partikular na topic na to kay CM, kaforum ko sa baguiocityonline at isa rin ito sa thread na nagkadiskusyunan kami ni CM. gusto ko lang ungkatin din muli at sagutin ang ilan sa mga puntos na kanyang nasabi.

napaisip ako, kailangan ba talagang tanungin mo ang isang tao kung talagang mahal ka niya? kahit tanungin mo siya, maaring hindi sya magsabi ng totoo. pupuwede na sabihin nyang, “oo, mahal kita” pero hindi naman pala totoong ito ang nararamdaman nya.sa tingin ko, hindi na dapat itanong pa yan kasi mararamdaman mo naman kung mahal ka ng isang tao o hindi. mararamdaman mo kung importante ka ba sa kanya o hindi. naalala ko ang isa sa mga naging sagot ko sa thread na yan, sa katanungang, mahal ka nga ba nya.. ang sagot ko ay hindi…dahil nararamdaman ko na hindi nya ako talaga minamahal (at that time, i think. hehehe) dama kong wala akong importansya sa buhay nya, dama kong wala akong puwang sa kanyang puso. kaya’t hindi ko na kailangan pang tanungin yun sa knya at marinig na sabihin nya ang isang kasinungalingan na akala nya ay makapagpapagaan ng kalooban ko.

according kay CM, ilan sa mga basehan upang malaman kung mahal ka ng isang tao ay ang mga sumusunod…:

CM – Lahat ng plano nyo o gagawin nyo, hindi man sa bawat minuto pero hanggat may bago kang gagawin eh ipapaalam nyo saamin..

yanah – kahit paano ay sumasang-ayon ako sa kanya dito. isang napakalaking bagay nga na dapat na nalalaman nilang mga lalaki ang kahalagahan nila sa buhay ng mga babaeng minamahal nila sa pamamagitan ng pagpapalaam ng kung ano mang bagay na gagawin nila sa kanilang buhay. na sa bawat pagdedesisyon na gagawin nila ay kasa-kasama nila ang kanilang mga minamahal. hindi man para humingi ng permiso (gaya nga ng sinabi ni CM) kundi para lamang ipadama at ipakita sa kanila na sa bawat pagdedeisyon nila sa buhay ay kasa-kasama at isina-alang-alang nila ang kanilang relasyon.

CM – isang text sa loob ng isang araw na hindi napipilitan ok na sa amin

yanah – sa tingin nyo ba kaming mga babae ay hindi ganyan? sandamakmak ng pogi points na dapat sa inyong mga kalalakihan kung maalala nyo na kami ay padalhan ng isang text. hindi nyo alam kung gaano kaimportante saming mga babae na malaman na naiisip nyo rin kami kahit papano. sa totoo lang, kung ano ung mga simpleng bagay na dapat ay ginagawa ng mga lalaki para sa ikatutuwa naming mga babae eh yun pa ung talagang nakakalimutan nyo pang gawin.

CM – Simpleng hiling namin na walang pang isang oras eh nandyan na at may lambing pa kung maibibigay nyo sa amin

yanah – hindi ba dapat na kaming mga babae ang humihiling nito sa inyo. dahil madalas na sa sobrang dami ng “activities on the sides” nyo ay naisasantabi nyo na kami. na kahit na alam nyong kailangan namin kayo, deadma-deadmahan lang kayo, na kahit simpleng bagay na paggawa sa bagay na nisulat ko sa taas nito ay hindi nyo nagagawa. mga simpleng bagay lang ang hinihiling naming mga babae sa inyo, pero hindi nyo pa magawa. (hindi pa naman ako masyadong galit neto, hehehe)

CM – Balewala ung tatlong nauna kung ang gagawin ng partner mo eh mahalin kung sino man ung mahal mo, magulo pa rin ba?

yanah – hindi ko nagets.. kahit ilang beses ko na binasa ung explanation mo, hindi ko pa rin magets. kaya bahala na lang ung bang magbabasa neto. hahaha gudluck..

sa lahat ng mga nabanggit, isa lang naman ang patutunguhan nito eh, lahat ng taong pumapasok sa isang relasyon ay nangangailang ng matinding adjustment sa buhay nila. nararapat na pareho silang mag aadjust hindi isang tao lamang. ang pagpasok sa isang relasyon ay nangangahulugang responsable ka sa taong iyong pinili na makasama, na lahat ng mga dapat gawin eh nagagawa mo para sa kanya. na lahat ng bagay na ikaaayos ng inyong relasyon ay iyong ginagawa, kung mangyari ito, alam kong hindi darating sa puntong magtatanong ang isa sa inyo ng :”mahal mo ba talaga ako?”


****************

off topic:

last night, i watched the Kid’s for Christ christmas bash…it is where children ages 6-16 (i think… wild guess lang yan) performed and showed their talents in singing and dancing. the first number was christmas carols sung by several children..sobrang nakakaiyak, lalo naman daw akong nahomesick. maganda yung pagkakadeliver nila ng number. ang gaganda ng mga boses ng mga batang ito. talaga naman mga talentado ( at syempre dahil natural na inggitera ako, umiral ang pagkainggit ko sa mga batang ito, oo, kahit mga bata kinaiinggitan ko. hahaha napatanong ako sa sarili ko, “bakit ganun? bakit ang gagaling nila? ano ba pinakain sa kanila? nag star margarine din naman ako nung bata ako ah. wala pa lang kasing promil nun bata ako eh di sana ngayon isa rin akong promil kid”) at nalungkot naman ako dahil naisip ko bigla ang mga inakay ko na naiwan sa pinas ( si julyanah na mahilig sumayaw at kumanta, si kahlil na ang talent ay ang paiyakin sa bugbog ang ate nya at si lian na hindi ko pa alam kung ano ang specialty nya nowadays. dati kasi eh eksperto yan sa paglalaro at pag-iingay sa madaling araw, yung oras na dapat ay natutulog lahat ng mga tao, including the babies. nahomesick naman ako lalo. wala lang, nishare ko lang naman. yun lang.. end of story.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.