another rainy day

ilang araw na ring nag-uulan. kung nasa pilipinas ako, matutuwa pa ako at umuulan, sa totoo lang ako ang taong natutuwa kapag umuulan, kahit bumabagyo (wag naman ung masyadong malakas, di ko naman type na matuwa habang nililipad bubong ng bahay namin) there’s something peaceful and calming for me when it rains. i feel very at ease. as if my burdens were lessen. i dont know why i feel the way i feel when it rains. i just love it when its raining…

pero, dito sa UAE…hindi ako natutuwa at umuulan. i actually feel sad that its raining these paost few days, it makes me want to go home. umaatake na naman ang homesickness ko. naging busy din naman ang social life ko dito pero nakakaramdam pa rin talaga ako ng lungkot lalo nga at umuulan. Naalala ko ung mga panahong umuulan at nasa bahay lang ako, pinapanuod ang pagpatak nito sa aming bintana.

dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan, kasama siyempre nito ang malamig na simoy ng hangin na wari’y binubulong sakin na “oist malapit na pasko.” oo nga, malapit na nga. unang pasko ko dito sa UAE, unang pasko ko na walang mahal sa buhay na kasama, unang pasko ko na mag-isa, my first christmas away from home. i dont know how will i be able to get by this christmas. will i just sleep it off? ill definitely go to church and attend the mass, undertime na naman para makahabol sa misa. there should be a simbang gabi dito pero tentative pa dahil wala pang pari.

dumating ako dito sa UAE na halos walang pananalig sa Kanya, pero ngayon, alam kong Siya lang ang makakapitan at masasandalan ko. I know if i just lift all my troubles to Him, i know everything will be alright. I may be feeling bad right now, but i know good things are yet to come.

this season, i know ill get by…just dont know how….

Advertisements
This entry was posted in christmas, homesick, rain. Bookmark the permalink.