qatar, qatar paano ka marating nyan?

dahil sa apektado ng global crisis ang utak ng amo kong iranian, hindi ako matutuloy sa qatar today. sa aming lahat na pupunta, ako ang pinakaunang narelease ang VISA, less than 24 hours lumabas na ang tourist VISA ko sa qatar, ako rin ang pinakaunang nakapurchase ng roundtrip ticket na nagkakahalaga ng 980AED, nasa mga humigit-kumulang 10,000php yan sa Pinas. Pero, ako rin ang pinakaunang sinabihan ng amo kong tarantado ng” slight change of plans” slight pa pala ang tawag nya dun sa gumastos ka ng halos 2,500 AED, (33Kphp) sa isang trip out of the country na hindi naman pala matutuloy… at utang na loob naman, last minute changes na ito. nakaempake na ko at lahat ng gamit ko kagabi. nakontrata ko na rin ung mga kaibigan ko na nasa qatar kung aling meal ko sa buong stay ko sa qatar ang sasagutin nila. pati na ang hotel accomodation ko. tama ba naman yun?! hindi makatarungan to! gusto kong pasabugin ang utak ng punyemas na Iranian na yan! hu hu hu ang masaklap pa nito, hindi na maaring i-refund ang ticket.

Airline does not have a refund policy once the booking is paid for. Should a passenger cancel a flight 24 hours prior to the scheduled flight departure time, Air Arabia will retain the amount, less cancellation charges of AED 100 (or equivalent) per passenger, per sector, as a credit towards a future flight to be used for travel within one year from date of payment.

hahahahayssssss na lang… life is so cruel.. i wanted so much to go through with this trip.. sorry ka na lang. kumusta naman ang araw mo yanah? kaya pa ba? hu hu hu sa tingin pa kaya ng air arabia na yan eh magkakaron pa ng pagkakataon para makapunta ako ng qatar within one year para magamit ko yugn ticket? hay naku naman. sana na lang kasi i-refund na lang nila. yanah, say goodbye to your 980AED. hu hu hu kapag sumabog ang Faisal Sheikh Trading, si yanah ang may kasalanan. si yanah ang salarin. pramis yan! at dahil sa galit ko muntikanan ko ng hindi mabura ung pangalan ko. hahahaha malaman pa ng sangkablag-blagan ang real neym ko.. tama na ang pers neym hahaha
Advertisements
This entry was posted in air arabia, cancel, qatar. Bookmark the permalink.