halo-halo

ilang linggo na lang pasko na naman. magkakasama-sama na naman ang mga magpapamilya. panahon na naman ng mga walang katapusang reunion, sa pamilya, sa barkada, sa mga alumni associations. para sa karamihan isa itong masayang panahon at punumpuno ng pagmamahalan. pero para sa akin, kabaliktaran ito. unang-unag, malayo ako sa pamilya ko. ito ang kauna-uanahang pasko na hindi ko kasama ang kahit na sino sa mga kapamilya ko. pangalawa, mahirap madama ang diwa ng pasko dito sa gitnang silangan. kung sa atin sa pinas, oktubre pa lamang eh may mga naggagandahang mga parola t iba pang palamuti na pangkapaskuhan, dito naman sa gitnang silangan ay wala. hindi mo nga mapapansin na malapit na pala ang kapaskuhan. pero kahit naman nasa pilipinas ako sa mga panahong ito at kahit nakikita ko ang diwa ng pasko kahit saan ako tumingin, hindi ko pa rin magawang maging masaya. hindi ko alam kung bakit pero laging ganon ang nararamdaman ko. there is something about christmas that makes me feel so sad. kahit anong gawin ko upang maging masaya sa panahong ito, talagang babagsak pa rin ako sa pagiging malungkot. tatakbo ito ng mga ilang araw. normally, nagsisimula ito ng 23 hanggang 27 ng disyembre. taon-taon ganyan ang pakiramdam ko at ganyan ang nangyayari sakin. sa anong dahila? hindi ko maipaliwanag. alam ko hindi normal ito, pero kailan ba ako naging normal?

dito sa Dubai, kahit pano….konting-konti, mararamdaman mo na papalapit na nga ang xmas season dahil papalamig na. gaya nga ng sabi ni Boss Amo Manager Ardyey eh malamig na sa umaga, nakakatamad na bumangon at maligo. kahit sa buong araw, hindi ka na gaano papawisan kahit na mataas ang siakt ng araw. Winter na daw. at dahil sa batang lamig ako, hindi ko pa masyado mareaksyunan yung mga komento ng ibang tao na sobrang lamig daw dito kapag winter kasi para skin, parang tamang lamig lang. sa ganitong panahon, masarap ng maglakad-lakad sa parke…hindi nga lang advisable to kung ang balak mo ay maglakad-lakad habang nagmumuni-muni. dahil hindi lang iakw ang nakaisip magpakalat-kalat sa daan. marami ring mga makukulit na langgam (mga Pana at Patan) na nakakalat na nakakadistract sa iyong pag-iisip. masarap na ring maglakad patungo sa bus station dahil nga hindi na mainit, kahit isang oras ka pang nakapila sa paghihintay ng bus hindi ka na masyado maiirita dahil hindi tagaktakan ang pawis mo.

Itong taon na to, ang kauna-unahang taon na dito ako sa UAE magcelebrate ng pasko. kung paano? hindi ko alam. bahala na si batman, tanong lang kung sasama si superman o baka may date sila ni wonderwoman. maraming pagbabago ang naganap nitong taon na ito para sa akin. pagbabago sa aking sarili, sa aking lifestyle, sa aking environment, sa tipo kong lalaki este tipo kong buhay, sa mga pananaw at adhikain ko. napakaraming pagbabago in such a short period of time. harinawa’y maging maganda ang pagtatapos ng aking taon dito sa UAE. iniisip ko tuloy, hanggang kailan kaya ako makakatagal dito? matatapos ko kaya ang aking 3 taong kontrata dito. ang hirap kasi ay natatali ak sa kontrata mo. sana swertihin ako sa dadating na taon. sana swertehin ako na makasilo ng blue eyes… este makasilo ng magandang sorpresa para makauwi na ko sa amin at makasama ko na mga inakay ko. kilala pa kayo ako ng unico hijo ko? im sure ung aking bunso, hindi ako kilala. ang panganay ko naman kaya eh maging kaclsoe ko pa pag umuwi na ako?

natapos na lang to ng walang magandang kinahinatnan…..

Advertisements
This entry was posted in pasko, UAE. Bookmark the permalink.