Wrong Gender No Entry

naalala ko nuong nakaraang biyernes na kami ay nasa abu dhabi. isa ito sa mga matatawag kong hindi ko malilimutan na pangyayari…..muntik na akong mahalay—-este makapanghalay ng mga nagggwapuhang mga kalalakihan ng SFC ahihihihihihi pano ba naman …… sukat ba naman na muntik-muntikanan ko ng pasukin ang restroom ng mga boylets… ay apo! ang dami nila inside.. ang kyu-kyut nila… nakakakilig nyahahahaha sa hindi ko maipaliwanag na dahilan eh nakalimutan ko na kung sino ung lalaking sinusundan ko..dala-dala namin kasi ung sandamukal na pagkain na baon namin, i was asking him kung san dapat ilagay yung mga yun and he pointed me dun sa door na yun….. he asked me to follow him and so i did… may-i-follow naman ako sa kanya…habang naglalakad papunta sa pintuan ng kalangitan nagangalikot ako ng bag kaya hindi ako aware ng buksan nya ang pintuan, nang sa pagtunghay ng aking mukha, nakita ko na halos nakatapak na ako sa loob ng tinurang pintuan, ako’y nagulantang… animo’y natuka ako ng ahas sa aking nakita…..(nanunuka ba ang ahas? kagat na lang… sige nah..)nakakita ako ng hindi lamang 4 o 6…..higit pa ang bilang ng mga adonis na aking nakita sa loob ng silid na iyon… at nakita ko rin na sila’y nabigla din sa pagkakakita sa akin sa tapat ng pintuan ng kanilang silid. at paanong hindi sila mabibigla eh CR ng mga boylets un.. and im practially invading their privacy to their thingy….ahihihihihi inshort eh binulabog ko ang kanilang pag wee wee……. hindi ko na matandaan ang kanilang mga mukha.. pero im sure they’re all cuties…. papa-bles naman mga nasa SFC eh diba? ( and i hope and pray hindi rin nila matandaan ang aking fez…. dahil sobrang nakakahiya) sa ganung eksena ako nagising kaya’t ako’y biglang nag about face, nang sa aking pagtalikod, nakita ko naman si brother edgar na tawa ng tawa at biglang sumigaw na “CR ng boys yan ” tama bang isigaw nya pa yun at ipaalam sa sangkaSFC-han na muntik ko ng gahasain ang mga boylets sa CR nila???? tama ba yun? well, ano pa ba ang maari kong gawin para makabawi, kundi ang makitawa na lang sa kanya at sabihing …. nagkamali ako at pasensya na “malabo ang mata ko eh “

-The End-

Moral Lesson of the story: bago pumasok sa pintuan tingnan ang sign! Yun lang …wag gumaya sa katangahang aking ipinamalas….in short, wag mangalikot ng bag at ng hindi naliligaw ng landas….

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

One Response to Wrong Gender No Entry

  1. Anonymous ay nagsasabing:

    Hello! I'm newbie in Internet, can you give me some useful links? I know only about Yahoo [url=http://yahoo.com]Yahoo[/url] http://yahoo.com Yahoo

Sarado na ang mga puna.