Happy Father’s Day!

naalala ko pa nung bata ako, tuwing sasapit ang ganitong panahon (november 1 and 2) umuuwi kami ng cavite city paradumalaw sa puntod ng mga kamag-anakan naming hindi ko naman kilala. yes, hindi ko na sila nakamulatan. mahabang panahon na silang nakahimlay sa ilalim ng lupa. nuong mga panahon na ako’y ipinangank ng aking ina, sila ay namaalam na kaya’t hindi ko na sila nagisnan.

so, ayun nga, tuwing november 1 and 2 umuuwi kami dun. kadalasan, sa gabi kami nagpupunta kasi sobrang init sa araw. kaya mas mainam na gabi ka pumunta.. yun nga lang sa pagsapit ng gabi.. ang tindi naman dahil napakaraming tao ang pakalat-kalat. siksikan kahit san ka magtungo. walang kalsada/kalye na hindi masikip. ultimo mga nitso sa sementeryo eh nagsisiksikan na rin.hindi mahulugan ng karayom ang lugar na iyon kapag ganitong okasyon. naaalala ko rin na ang pinakapaborito kong gawain nuong mga panahon na iyon ay ang magpagala-gala sa loob ng sementeryo.. (shempre dun lang din naman sa malapit sa amin dahil takot naman ako malost) para mangalap ng natunaw na kandila at iporma itong bola. at kapag nakagawa na ako ng malaki at maraming bolang kandila out of the melted candles, hahanapin ko namna si mamang kandila ( sya ung bumibili nung mga kandila na nabibilog ko) hindi ko na nga lang matandaan kung magkano nya binibili ung kandilang pinaghirapan ko. kung minsan pa nga ako na mismo ang tumutunaw para may mabilog ako he he he kung minsan din nahuhuli ako nung mga nagbabantay ng kani-kanilang puntod. ( at shempre, ano pa ba ang dapat gawin kapag nahuhuli ka kundi tumakbo diba?! jan ko napatunayan na pwede rin ako pang marathon kahit with obstacles pa. dahil magaling ako umiwas para hindi mahuli nyahahaha) hanggang ngaun hindi ko pa rin alam kung anong ginagawa ni mamang kandila dun sa mga binibili nya sa akin ng binilog na kandila.. siguro ginagawa nya ulit kandila. ewan ko. nahihiya akong magtanong nuon dahil ayaw kong isipin ng mga magagaling kong tito at tita, kasama na ang mga ubod ng talinong kong mga pinsan na ang syonga-syonga ko at para yun lang eh hindi ko pa alam. hay naku. mahirap talaga kapag napabilang ka sa pamilya ng mga henyo at ikaw ay isang mang-mang lamang na walang kaalam-alam sa mga bagay-bagay at pangyayari sa paligid mo.

naalala ko rin ngayon lang actually na mula ng mamayapa ang aking butihing ama (butihin nga ba? joke lang poh papa, wag ka mag appear at magparamdam skin ha.. joke lang talga yun pramis!) mahigit kumulang at walang labis na siyam na taon ay 2 beses pa lang na nabisita ko sya sa kanyang puntod sa ganitong araw. pero binibisita ko naman sya kahit hindi november 1 and 2. umiiwas lang akong makasalamuha muli ang mga kamag-anakan kong ubod ng henyo kaya i prefer to visit kapag wala sila.

pero, bakit ko nga ba binibisita ang aking ama duon eh hindi naman kami close. totoo yun, tama ang nabasa mo… hindi kami close…we never were (on a serious tone) lumaki akong malayo ang loob sa kanya ( seryoso na talaga to) lumaki akong halos parang walang kinagisnang ama. maraming kulang sa buhay ko at isa na dun ay ang pagmamahal ng isang ama. lumaki akong may malaking takot sa kanya. takot na masigawan, mapagalitan. pero sabagay din naman bonus na sa akin ung masigaw-sigawan nya kasi ibig sabihin nun eh napapansin nya ako.. yes, he was there ever since i was born just to give the others the impression na he’s a responsible father.. kasi nga naman hindi namna sya nagpabaya sa mga pangangailangan ko. pero he hasnt been a father to me..not the true meaning of the word. he was more like a stranger who’s giving away his superrrrrr extra money to help me with my basic needs and nothing more than.for almost all my life, nabuhay ako sa takot… sa galit ko sa kanya dahil wala siya lagi, dahil hindi ko maramdaman na ako’y may ama. sa paglipas ng panahon, nakasanayan ko na yung pagiging “wala” nya hanggang sa balewala na lamang sa akin kung nandyan man sya o wala. hanggang sa lumisan na lang sya sa mundong ito, wala akong naramdaman ng pagmamahal mula sa kanya. sa totoo lang malaki ang hinanankit ko dahil hindi man lang nya ako binahagian ng kahit kaunting pagmamahala bago man alng siya umalis. hindi naman ako humihingi ng sobra. sapat na sa akin na mahalin nya ako kahit kaunti at “kahit isang saglit” (naks aylabyu jericho! wala na si carmen soo.. pinalayas ko na..andun na sya sa mars.. mahihirapan na siya makabalik dito. malaya na tayong dalawa rocky! mwuagz)( walang magrereact.. please lang..utang na loob, bigyan nyo naman ako ng kaunting kaligayahan, blog ko toh!)

anyways, gusto ko lang naman sabihin na sa ganitong panahon ay naalala ko siya. sa pagkkataong ito, hindi lang ngayon.. actually this past few weeks eh lagi ko siyang naiisip. marahil ay nangyari na yung dinasal at hiniling ko kay Lord.. hiniling ko sa Kanya na sana’y gamutin nya ang malaking sugat sa puso ko. i have prayed for personal healing… maybe this is it. maybe He has given it to me already. Ready na ako….

i am declaring in Yanah’s calendar that Father’s day will now be celebrated every last week of October which will last on the first week of November.

Happy Father’s day, Papa!

i hope one day we meet again…..

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.