Lipat. Lipad.

samahan nyo po ako sa aking BAGO AT PERMANENTENG BAHAY wahihihi.. paki-palitan na rin po ang address ko sa inyo, para hindi kayo maligaw kapag binisita nyo ko…

 

http://www.lifes-a-twitch.com

 

 

Lika na dali..bisita ka na!

 

 

Salamuch!

Posted in Uncategorized

Question and Answer Portion


Kung bibigyan ko kayo ng pagkakataon na tanungin ako ng mga tanong na gusto nyong sagutin ko… ano un? Itanong sa comment section ng blogpost ko na ito, huwag kalimutan na iwanan ang inyong Email Address para masagot ko ang inyong mga katanungang.Paalala, one time offer lang ito.. kaya tanungin nyo na lahat ng gusto nyong itanong sa akin. At pipilitin ko masagot ito sa abot ng aking makakaya, isasapuso at isipan ko maige ito. Lol.You can ask up to 5 questions only. (sana po hindi sila mga bibong bata at tag-iisang tanong lang ang maisip nila lol) O siya, pano? Hihintayin ko na lang ung tanong nyo ha.. huwag kalimutan ang email address..
wahihihihi

Posted in Uncategorized | Tagged , , | 52 Comments

Believe Me, I Feel The Pain More Than You Do.

Minsan naisipan ko ng sumuko…

Ung tipong ipikit na lang ang aking mga mata sa lahat, hilinging sa aking pagmulat ay wala na.. tapos na ang sigalot na nararamdaman.

Minsan naisipan kong bumitiw na sa mga inaasahan  ko, lalo at alam kong hindi na talaga uubra..

 

Masakit na eh..  

At kadalasan, masakit na masakit na masakit na talaga..

 

 

 

Kaya naman, naisipan ko na ring…..

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

magpatingin sa dentista..

mukhang may tama na ung isang ngipin ko.. sumasakit much na sya..

hindi mo maasahang mawala lang  sa pag-inom ng gamot.. hayssss.. ang chakit!

wahihihi!

 

HAPPY TUESDAY!

 

Posted in pain, Uncategorized | 38 Comments

Intramuros Day Tour.. – Check!

Kahapon,  dalawang items sana ang malalagyan ng isang malaking check sa list of things to do ko dito sa Maynila.. Kung hindi mo alam kung anu un.. eto.. magbasa ka dito! oo, dyan nga! click mo si click! gets?

Eh di hinila-hila ko tong si MPoy para samahan ako.. sya naman si heksaytment ever.. nagmayabang sa mga opismates. At ako naman si heksaytment much much ever.. kinuwento ko pa at nainggit pa talaga ko sa halos lahat ng taong online sa YM list ko bago pa ko gumorra papuntang Guadalupe kung san kami magtatagpo (naks!) ni MPoy, dun kasi namin balak sumakay ng Ferry tas ang baba namin sa Escolta Station. Eh di hyper na hyper much ako dahil jan sa Ferry Adventure na yan..isama mo pa ang Intramuros Adventure after the Ferry… Hindi ko pinansin ang mga pagtulak saken sa MRT, ang mga paniniksik ng mga nangangamoy na kamote este tao.. Nakarating sa Guadalupe Stn, naglakad patungo sa Ferry Station..  

pagdating dun, eto ang tumambad samin katabi ng isang napakalaki (well, hindi naman talaga malaki, nag eexaggerate lang ako)  na CLOSED sign..  

bumulusok pababa ang excitement at energy level ko.. eto lang ang na-sight namin sa GUadalupe Ferry Station.

Nagdecide kaming dumerecho ng Intramuros.. kumain ng  ubod ng asim na mangga..   

nag emote si MPoy..  kase daw beberdey na daw sya…

nakiusyoso sa vintage bridal car na nakapark sa gilid ng kinoconstruct na building..

pinagtripan ni EMPIng ang pusa sa puno..  

tinext si josonnnn   

kumain ng istapegi at uminom ng black gulaman. iisa lang ang inorder naming lahat.. ewan ko ba kung bakit..

kumain. nabusog. tumawa ng tumawa. nilamig (si joson) lumabas, nagpaalam  

at naglakad ng naglakad ng naglakad.. in short ngpakapagod ng husto kahit hindi naman naikot ung buong Intramuros..😦 nadaanan ang escolta Stn. at nabalik ang pagkainis.. grrrrrrr

100% F ang Pasig River Ferry. Pero infairview, turistang-turista ang dating namin sa Intramuros, kasabayan naming kumukha ng mga litrato mga porenjers.. wahihihi Natapos ang araw.. naghiwalay kami sa EDSA-Taft MRT stn. si Mpoy lumarga papuntang MOA (*eyeroll*) ako gumorra papuntang MEgamall.. May kinita na someone-someone with something-something. Lol..

***tatlo’t kalahating oras ko ginawa tong post na to.. nagpasikat ang globe tatoo ever!***

 

honga pala.. achieve na achieve ang limit namin sa budget. dahil sa super nagtitipig kami ngaun ni MPoy.. nilimitahan namin ang sarili namin sa gagastusin namin.. “streetfoods muna tayo, para makatipid wahahahahaha” palagi na rin kasi kaming nasa mga fastfood, kita naman ang ebidensya diba? sa totoo lang, lumafangga na kami bago pa man dumating sa Intramuros, added bonus na lang ung Istapegi wahihihi.. salamuch Josonnn!  budget sa Intramuros day trip? 200php kasama na fare ko papunta and pauwi.. Achieve diba?! lol

Posted in Gala Moments, kwento | 22 Comments

I Lost My Ear When I Lost You.. And Yes, I Definitely Lost My Mind And Heart As Well…

Ang ingay sa labas.


Mga batang nagsisigaw habang naglalaro ng piko, habulan, taguan pong, patintero at langit-lupa. Mga nanay na nagchichismisan tungkol sa buhay-buhay ng mga taong nakatira within 5km sa kinatatayuan mismo nila. Mga tambay sa kanto na umaga pa lang eh nag-iinuman na. Mga naglalaro ng bingo habang karga-karga ang kanilang mga anak na uhugin. Di man lang pakainin muna at paliguan bago pumuwesto sa binggohan.  Mga naglalaro ng tong-its. Magdamagan, malakihan ang taya. Mga nagmimiron sa mga taong nagsusunog ng kilay sa paglalaro ng tong-its. Sa kabilang panig, mga binatang naglalaro ng basketball, habang nasa gilid ang mga kadalagahang nagsisipagtilian sa tuwing makaka”shoot” sa basket ang kanilang mga “crush”.

Maingay. Nakikita ng mga matang kong maingay sa buong paligid. Nakikita ng mga mata kong magulo sa labas, ala ng isipan kong isang napakaingay at napakagulong eksena ang naghihintay sa akin sa oras na itapak ko ang aking mga paa sa labas, pero….

Bakit hindi ko ito marinig?

Bakit hindi kita marinig?

Posted in acceptance, broken | 16 Comments

Hindi Ako Nagpayong Kasi Umuulan, Baka Mabasa. Sayang Ang Kawawang Payong Ko.


Ang payong, rain or shine nagagamit. Kapag umuulan, ginagamit mo yan para hindi ka mabasa at shempre kapag ‘shine’.. ano pa nga ba eh di pananggalang sa init ng araw. May iba pa ding silbi ang umbrella ella ella eh. Depende sa haba at laki nito. Kung maliit lang ung payong mo, tipong folding umbrella… pwede mo ng ipanghambalos yan sa ulo ng kinaiinisan mong tao.  Kapag naman mahaba…..ang payong mo.. pwde mong ipanungkit ng panty mo na nakasabit sa sampayan sa labas ng bintana mo. Diba ang useful ng umbrella ella ella eh sa daily living natin. Pero alam mo ba kung saan sya pinakamasayang gamitin ang payong? Kung makita mo ang sarili mo na may kasukob sa payong mo.. ung makita mo na may kagitgitan ka para magkasya kayo sa iisang payong para hindi mabasa ang isa ng pumapatak na ulan.  Ung tipong, magkapatong ung mga kamay nyong nakahawak sa hawakan ng payong. Yung tipong… nagtatawanan kayo kasi hindi nga kayo magkasya sa iisang payong at nagiging walang silbi na ito dahil parehas na kayong nababasa. Tila mga batang sira ulo na humahagikhik habang nakapayong (at nababasa) sa gitna ng ulan.

May nagtanong…

“Wala ka bang payong?” “Bat kasi hindi ka bumili ng payong mo?”

Sinagot ko ng:

“Meron.. hindi ko lang dala. Ayokong gamitin, mababasa eh.”

Parang ikaw lang.. ayaw kitang isipin.. kasi mababasa na naman ng luha ung mga mata ko pag inisip kita. Bwahahahahaahahahhahhaahhaha shempre.. joke lang yan!😛 at walang konek to sa payong. lol

Posted in kung ano-ano lang, love, love story | 25 Comments

Reaching For Your Star Sa Buwan Ng Pebrero

 

‎”sometimes the thing that you most want doesnt happen, and sometimes the thing you’d never expect to happen does.” -from Love and Other Drugs…

Alam mo bang totoo talaga to. May isang bagay sa buhay ko na talagang gustong-gusto kong mangyari. Ilang taon ko na ring inaasam-asam na mangyari to, Ilang taon na nga ba? Mahigit pitong taon na rin. Oo, mag wawalong taon ko ng inaasam-asam ito. Ang hirap pala na umasa ka sa isang bagay na parang isang bituin sa langit na kay hirap abutin. Sometimes you cant help but feel sad about things. Lalo na if things doesnt go the way you want it. Na instead of pasulong ang paghakbang mo you find yourself taking several steps backward. Bakit kaya ganun noh? Sa case ko naman ang lalong nagpapahirap sa akin para makamit ang natatangi kong pangarap ay ang erratic mood ko. Oo, erratic kung erratic. I can be happy now, tas biglang madedepress na lang ako.. And when depression kicks in, naghahanap ako ng comfort sa ibang way.. isa pa ang pagiging fickleminded ko, i kept changing my mind at the last minute. I kept changing decisions kaya i ended up committing mistakes and choosing the wrong one.. a dead end..kaya tuloy iniisip ko ngayon kung paano ko maachieve ung nagiisang bagay na gustong-gusto ko. I know i really have to work hard for it. Set my mind.. stay focused. Dapat determinado akong marating at maabot ang pangarap na bituin ko.

 

 

 

Eh bakit, totoo naman talagang napakahirap maabot ng pangarap ko. Ako na ang hirap magpapayat….almost 8 years ko ng inaatempt na lumiit. I started getting fat right after giving birth sa eldest kid ko, uhmmm ok fine, di ka naniniwala.. i started getting bigger nung ipinagbubuntis ko pa lang ung eldest ko. Nahirapan na ko magpapayat since then. Lalo na at nasundan pa ng dalawa. Ang hirap kaya nun. Saka bakit, hindi lang naman ako ang nahihirapang magpapayat sa buong mundo ah. Alam ko hindi ako nag-iisa sa kalbaryo ko. lol

Ang tanong ng sambayanan…

Kailan kaya papayat si Yanah? Mananatili na lang ba itong isang pangarap na bituin? Sa tingin ko kinakailangan na niya magseryoso kung gusto nyang magkalovelife. Re-reak ka? Hindi pwede! magtigil ka! Bawal ang kontrabando este kontrabida dito.  Bleh!

**isasama ko to sa new year’s resolution ko. Oo, kahapon ko lang actually napag-isip-isip na gumawa ng new year’s resolution. Wag ka na mangelam.  :P***

Tama na nga tong kalokohan na to. Hmp.

February

na pala bukas. Wala lang. Bye!

Posted in high, kung ano-ano lang, nonsense | 28 Comments